Lumabas ang bagong tala habang isinasa-alang-alang ng pamahalaan na makabalik sa bansa ang mga banyagang estudyante sa susunod na buwan.
Mga highlight
- Hindi na makapaghintay si Punong Ministro Scott Morrison na buksan ang pagbiyahe sa pagitan ng mga estado habang ipinapakita ng mga bagong tala na ang mga pagsara nv border ay nagdulot ng pagkawala ng 5,000 trabaho bawat linggo at $84-milyong dolyar kada araw.
- Tumaas sa 7.1 porsyento ang bilang ng nawalan ng trabaho sa Australya noong Mayo habang dagdag na 227,000 katao ang nawalan ng trabaho.
- Ang pinakamasamang bilang ng kawalang trabaho mula Oktubre 2001 ay lumabas habang balak ng gobyerno na pabalikin sa bansa ang daan-daang estudyante sa susunod na buwan.