Highlights
- Kinumpirma ng tatlong unibersidad sa Australia na namagtataas ang kanilang matrikula
- Isa si Jane sa mga nagbalik na estudyante upang tapusin ang pag-aaral sa Commercial Cookery
- Wala umano siyang natanggap na abiso sa pagtaas ng matrikula
Kasabay ng pagbubukas ng Australia sa mga international student nitong Disyembre 15, sinalubong naman ang iba ng pagtataas ng tuition ng ilang unibersidad.
Nagulat na lamang ang international student na si Jane, hindi niya tunay na pangalan sa halos tripleng pagtaas ng tuition fee niya.
"Noong magrerenew na kami ng visa kasi naexpire na yung visa namin humingi kami ng bagong offer letter sa school, yun na lang balance namin $3,750. tapos sa bagong offer letter $10k na."
Listen to the podcast
"Nanlambot ako, nagulat ako kasi kapag convert mo satin yun pang down na yun ng bahay tapos hindi na ako makatulog ng isang araw kasi iniisip ko kung bakit ganun," pahayag ni Jane, international student na nagbalik at sinalubong ng tuition fee increase.