Ipinagtanggol ng pinuno ng Partido One Nation, Pauline Hanson, ang pagpasok niya sa parliamento habang may suot na burka, sa pagsasabing ito ay tungkol sa pambansang seguridad. Larawan: Pinalakpakan ng mga senador si Abogado-Heneral George Brandis sa kanyang pagpuna sa pagsusuot ni Senador Pauline Hanson ng burqa sa Senado (AAP)
Nagsuot ang senador ng damit na tumatakip sa kanyang ulo at katawan, sa harap ng isang debate sa Canberra, tungkol sa pagbabawal ng pagsusuot ng damit na may kumpletong takip sa mukha habang nakaharap sa publiko.
Ang hakbang ay pinintasan ng magkabilang panig ng pulitika, pero sinabi niya na hindi siya nahihiya sa kanyang ginawa.
Share




