Key Points
- Dinadayo ang mga magagandang isla at dalampasigan sa Australia at Pilipinas bilang holiday destination ng mga turista.
- Apat na parangal ang natanggap ng Pilipinas sa World Travel Awards (WTA) 2023 na ginanap sa Burj Al Arab in Dubai, United Arab Emirates, noong December 1.
- Halos limang milyong international arrivals na ang dumating sa Pilipinas ngayong 2023 ayon sa Department of Tourism.
Muling kinilala ang Pilipinas bilang World’s Leading Beach Destination at bilang World’s Leading Diving Destination.
Sa unang pagkakataon naman, nakuha ng Maynila ang pagkilala bilang World’s Leading City Destination at tinalo ang ibang syudad mula US, Mexico, South Africa, Australia, at New Zealand.
Natanggap din ng Pilipinas ang parangal na Global Tourism Resilience Award na ibinigay lamang sa apat na bansa. Ito ay bilang pagkilala sa mabilis na pagbangon ng turismo sa kabila ng mga hinarap na hamon sa mga nagdaang taon.