Bagong uniporme, bag at sapatos - ito ang madalas na bilhin ng mga magulang sa pagpasok ng kanilang anak sa eskwelahan. Ikaw, anong paghahanda mo para sa iyong anak na magbabalik-eskwela na o unang araw pa lang na papasok sa paaralan?
Key Points
- Isang kakatuwang pagkakataon ang unang pagpasok ng mga anak sa eskwelahan. Madalas na maagap ang ginagawang paghahanda ng mga magulang.
- Sa Australia, halos 4.1 milyong batang estudyante ang pumasok noong 2023 ayon sa Australian Bureau of Statistics. Inaasahan na mas mataas ang bilang na ito ngayong 2025.
- Sa pagsisimula ng pasok ng mga bata sa paaralan, pinapaalalahan ang mga magulang na maging mapagbantay sa mga anak sa kanilang mga aktibidad lalo na sa online.
Share





