Hindi madali ang tumira sa ibang bansa lalo na at malayo sa mga mahal sa buhay at nakasanayang kultura. Subok yan ng maraming Pilipino kaya isa sa mga nakakapawi ng lungkot ang pagkakaroon ng mga bagong kaibigan at pagiging bahagi ng isang komunidad kahit sa social media.
Key Points
- Ang mga online community support group ay naging daan ng maraming migrante para makahanap ng mga kaibigan.
- Karaniwang sinasagot sa mga forum ang mahahalagang tanong tungkol sa pamumuhay sa Australia.
- May iba't-ibang online group para sa bawat grupo, propesyon at pangangailangan ng mga mamamayan.
Share





