KEY POINTS
- Ayon sa Specialist GP na si Dr. Angelica Logarta-Scott, sa Australia, karaniwang nagsisimula ang pagbubuntis sa pagbisita sa lokal na GP, na siyang magrerekomenda sa pampubliko o pribadong pregnancy care. Sa pampublikong pangangalaga, ang mga midwife ang may malaking papel at nakikipagtulungan sila sa mga doktor upang suportahan ka at ang iyong baby.
- Karamihan sa pampublikong pregnancy care ay libre sa ilalim ng Medicare at ibinibigay ng isang grupo ng mga midwife at doktor. Samantala, sa pribadong pangangalaga, maaari kang pumili ng sarili mong obstetrician ngunit kadalasan ay may malaking gastos kahit may pribadong insurance.
- Maaaring iba ang sistema ng pregnancy care sa Australia kumpara sa mga tradisyon sa Pilipinas. Nagbibigay ang mga ospital ng mga tagasalin at cultural liaison officers upang igalang ang iyong mga kaugalian, at may mga community nurse na bibisita sa iyo sa bahay pagkatapos manganak.
Medicare helps cover most pregnancy costs like GP visits, blood tests, ultrasounds, and hospital stays for natural or C-section births. The National Immunisation Program offers free vaccines for pregnant women, including a new RSV vaccine from February 2025. You can also get support from community health nurses and various support groups.Dr. Angelica Logarta-Scott, Specialist GP
Ang 'Usapang Parental' ay podcast series ng SBS Filipino tungkol sa pagiging magulang. Ito ay nagtatampok sa mga kwento ng migranteng pamilya, pagpapalaki ng mga anak, at mga payo mula sa mga eksperto.
Ang mga impormasyon sa ulat na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa isang eksperto.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia, and website live stream, and TV Channel 302 from 10am to 11am AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.