Pagpapabakuna hinikayat dahil sa pagdami ng kaso ng flu sa South Australia

A man receiving a flu immunisation shot

Two regional aged care homes have been criticised over how they handled a deadly influenza outbreak. (AAP) Source: AAP

Umabot na sa labing pito ang mga naging biktima ng influenza sa South Australia sa taong ito, labing tatlo dito ay mga residente sa mga aged care home.


Nitong nakaraang Lunes, umabot na sa labing pito ang mga naging biktima ng influenza sa South Australia sa taong ito, labing tatlo dito ay mga residente sa mga aged care home.

Ayon kay Professor Poddy Phillips, Chief Medical Officer, mula sa bagong taon, bumibilang na sa limampu’t tatlo (53) ang flu outbreak sa mga nursing home at labing walong mga pasilidad ang nangailangang ma-lock down.

Ayon din sa kanya, bumilang na ng 12,339 ang mga kaso ng influenza noong nakaraang Sabado samantalang noong nakaraang taon, ang bilang ng mga kaso ng influenza sa mga kapanahunang ganito, ay 1,348 lamang.

Kasali sa namatay ng influenza ay isang kinse anyos na walang pre-existing kondisyon ng sakit.

May naitala ring pitong kamatayan sa loob ng isang linggo lamang, kung kaya hinihihimok ang pagkakaroon ng flu vaccination para sa indibidwal na proteksiyon.

 


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Pagpapabakuna hinikayat dahil sa pagdami ng kaso ng flu sa South Australia | SBS Filipino