Highlights
- Ika-9 ng Mayo ang halalan sa Pilipinas pero ang Overseas Absentee Voting, nagsimula noong ika-10 ng Abril.
- Mayroong 21,316 registered OAV voters sa Australya. 6,396 ang rehistrado sa Philippine Embassy sa Canberra, 2,625 sa Philippine Consulate General sa Melbourne at 12,295 naman ang rehistrado sa Philippine Consulate sa Sydney.
- Sampu ang kumakandidato sa Pangulo na sina Ernie Abella, Leody De Guzman, Norberto Gonzales, Panfilo Lacson, Faisal Mangondato, Bongbong Marcos, Jose Montemayor Junior, Isko Moreno, Manny Pacquiao at Leni Robredo.
Habang papalapit ang halalan sa Pilipinas, tuloy-tuloy ang kampanya sa Australia at hindi nagpahuli ang mga sumusuporta sa ilang kandidato sa pagka-Pangulo.
Pakinggan ang audio:
LISTEN TO
Ika-9 ng Mayo ang nakatakdang halalan sa Pilipinas at sampung kandidato ang naglaban-laban sa pagka-Pangulo ng bansa.
SBS Filipino
04/05/202210:12
Advertisement
Ang isang grupo sa Melbourne na inorganisa ni Liz Quimora na dating sumuporta kay Pangulong Duterte noong 2016, si dating Senador Ferdinand Bong Bong Marcos Junior ang manok sa pagkapangulo.
Supporters of Presumptive President Bongbong Marcos in Melbourne gathered three times before the election and gearing up for victory party. Source: Liz Quimora
Ang grupo naman na pinangunahan ni Arlan Fajardo, ang kandidatura ni Manila Mayor Isko Moreno ang ikinakampanya.
Supporters of Presidential Aspirant Isko Moreno gathered. Source: Arlan Fajardo
Si Melba Marginson naman ang isa sa mga nag-oorganisa ng pagtitipon ng mga sumusuporta kay Bise President Leni Robredo.
Supporters of Presidential Aspirant Leni Robredo gathered. Source: Melba Marginson
Magkakaiba man ang pambato sa halalan, nagkaisa naman ang mga ito na dapat magkaroon ng pakialam ng bawat Pilipino sa bansa kahit nasaan man sa mundo.