Highlights
- Prime Minister Scott Morrison kinumpirma ang pagdating ng180,000 doses ng Pfizer vaccine sa 16 Agosto upang tugunan ang Sydney Outbreak.
- Queensland makakatanggap ng 112,000 doses ng Pfizer vaccine mula sa federal government nitong Agosto
- Victoria Premier Daniel Andrews inaming nahirapan magdesisyon para sa pang-anim na lockdown sa Victoria pero ito umano ang pinakatamang gawin ngayong my Delta outbreak.
Umabot na sa 262 ang panibagong kaso ang tinamaan nga delta variant na Coronavirus sa New South Wales kahapon. Lima ang namatay, 4 dito ay walang bakuna ang isa ay nabakunahan ng isang dose ng AstraZeneca.
Maliban dito kumalat na sa Hunter region ang virus kaya dineklara na ni Premier Gladys Berejiklian na isailalim ito sa isang linggong lockdown simula kahapon.
"Ang arrangements and protocols sa walong LGA dito sa Greater Sydney at Central Coast, yon din ang susundin sa Hunter at Upper Hunter Region ibig sabihin walang pasok at stay at home-order is in place, " paliwanag ni Premier Berejiklian.
Kabilang sa lockdown ang mga lugar sa Newcastle, Lake Macquarie, Port Stephens, Maitland, Cessnock, Dungog, Muswellbrook at Singleton. Dahilan ng pagkalat ng virus sabi ni Chief Health Officer Dr Kerry Chant ay ang isang salu-salo sa Blacksmiths Beach sa Lake Macquarie noong Biernes ng gabi.
"Naniniwala kami na may nagdala ng virus doon sa area mula dito sa Greater Sydney, pero kailangan nating alamin ang source ng virus, na kumalat na sa Newcastle," dagdag ni Dr. Chant.
Kinumpirma din ni Prime Minister Scott MOrisson ang pagdating ng higit 180,000 doses ng Pfizer vaccine mula sa federal government sa 16 ng Agosto para tulungan ang Sydney outbreak.
" Hindi natin tinatanggal yong gamot mula sa mga estado at teritoryo, may mga nakalaan tayo na pwedeng gamitin. Kailangan ang bakuna par maka-move on na ang bansa," paliwanag ni Prime Minister Morisson.
Sa susunod na dalawang linggo, darating din ang 112,000 Pfizer vaccine doses sa Queensland. Ito’y matapos pumalo sa 16 ang bagong kaso ng Covid-19 sa estado at lahat ito ay kaugnay sa kasalukuyang Delta cluster. Kaya nanawagan si Deputy Premier Steven Miles dapat magpatest ang sinumang may sintomas at sumunod sa stay at home order.
" Masaya tayo may sapat na bakuna pero kailangan pero may dalang peligro ang outbreak at patuloy ang contact tracing dahil marami ang exposure sites," sabi ni Deputy Premier Miles.
Kahit 4 ang mga tinamaan ng virus na nasa komunidad habang nakakahawa sabi Chief Health Officer Dr Jeannette Young, kampante ito na nasa tamang hakbang sila para sugpuin ang pagkalat ng virus.
" dapat alerto dahil ang virus ay nakakahawa sa ilang segundo lang, mabilis ang hawaan sa Delta variant. Kaya panawagan ko sa lahat stay at home, hangang makontrol natin ang virus na ito at dapat magpatest kung may sintomas, " panawagan ni Dr. Young.
Dagdag pa ni Dr Young umaasa sya na dahan-dahang tapusin na ang lockdown sa Southeast Queensland sa 8 ng Agosto. Pero taliwas ang nagyayari sa Victoria dahil, simula kagabi isasailalim ito sa snap lockdown. Matapos nakapagtala ng 6 na panibagong kaso ng Covid 19 kahapon. Kabilang sa nagpositibo ang isang guro, ito ay 1 sa 3 mystery case na iniimbestigahan ng otoridad ngayon. Kaya nanawagan si Victoria Health Minister Martin Foley sa agarang mass testing matapos ang ilang mystery case ng nagpositibo ng virus.
" ang bilis ng pagkalat ng virus, noon isang araw walang positive sa atin ngayon meron ng at least 3 na mystery case pa, kaya talagang di pa tapos ang pandemya dapat gawin ang ibayong aksyon at pag-iingat," sabi ni Health Minister.
Sabi ni Victoria Premier Dan Andrews 7 araw mag-lockdown ang buong estado.
"kailangan umaksyon tayo agad at dapat gumawa ng isang desisyon kahit mahirap pero yon ang tamang gawin," paliwanag ni Victoran Premier Andrews.
Sabi ni Victoria COVID-19 commander, Jeroen Weimar, kumalat na ang virus pati ang ilang nagpositibo noong nakaraang araw ay kaugnay sa guro. At sa kanyang partner na nakatira sa Hobsons Bay.
"ang dalawang nagpositibo ay kaugnay sa Hobsons Bay, magkasama sa isang bubong pero marami pa tayong resulta na dapat malaman para sa social contacts," sabi ni Weimar
Kaya pansamantalang sarado ang mga eskwelan maliban na Lang sa mga batang anak ng mga authorised workers.Ayon Kay Tasmania Premier Peter Gutwein , kahit isa ang natalang nagpositibo ng virus sa estado matapos ang isang taon, tinuturing pa din nilang High risk location ang Victoria.
" kahit hindi ito local transmission at nakuha lang habang naka-quarantine, kaya yong ngsimula na yong contact tracing natin ngayon," kwento ng Premier.
Dahil dito banned ang taga Victoria na papasok sa Tasmania maliban kung essential travel ito at kailangan mag quarantine.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa COVID 19, bisitahin ang sbs.com.au/coronavirus