Paghihigpit ng mga restriksyon sa Victoria matapos nagpositibo ang isang hotel quarantine worker

Victorian Premier Daniel Andrews-Victoria is again in COVID-19 defence mode after a quarantine hotel worker tested positive for the virus.

Victorian Premier Daniel Andrews-Victoria is again in COVID-19 defence mode after a quarantine hotel worker tested positive for the virus. Source: AAP/James Ross

Muling hinigpitan ang mga restriksyon sa estado ng Victoria matapos nagpositibo sa coronavirus ang isang hotel quarantine worker. Kaugnay nito, inutusang mag patest at mag-isolate ang mga tennis players at staff ng Australian Open.


Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang dahilan ng bagong kaso ng coronavirus sa Victoria.

Giit ng mga awtoridad na ang panganib sa publiko ay masyadong mababa.

Isang bente sais anyos na residente ng Noble Park at support officer ng Australian Open quarantine program ang nagpositibo.

Sa ngayon lahat ng mga tennis players at staff n Australian Open ay inutusang mag patest at mag-isolate.


Highlights

  • Muling hinigpitan simula ika-4 ng Pebrero ang mga restriksyon sa estado matapos nagpositibo ang isang hotel quarantine worker
  • Muling ipinatupad at mandatory ang pagsusuot ng face mask sa mga indoor public places, ang bilang ng pagtitipon sa loob ng bahay, mula 30 ay ibinaba sa 15.
  • Ang 'return to work cap' para sa pampubliko at pribadong sektor na nakatakda sa ika-8 ng Pebrero ay pansmantalang ihihinto
Ani premier Daniel Andrews, wala namang dapat ikabahala dahil ito ay tinututukan ng awtoridad.


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand