Highlights
- 80% ng Victorians edad 16 pataas ay inaasahang nakatanggap na ng first dose ng vaccine sa September 26
- Inaasahang maabot ang 70% ng fully vaccinated na populasyon sa ika-26 ng Oktubre
- Mas maraming pagluluwag ang mararanasan bago mag-Pasko
Mula ika- 26 ng Setyembre, unti-unti nang babawasan ang mga paghihigpit sa Victoria sa ilalim ng roadmap sa pag-alis ng lockdown sa estado.
Ayon kay Premier Daniel Andrews pag-aaralang mabuti ng pamahalaan ang planong pagbubukas base sa pagbabago sa bilang ng nagkakasakit
Kapag naabot na ang 80% na target sa unang dose ng bakuna, pwede nang mamasyal ulit at gawin ang mga outdoor recreations. Pero limitado ito sa hanggang limang tao.
Mula 5km, magiging 10 hanggang 15kms ang pwedeng puntahan.
Makakabalik na rin sa eskwelahan ang mga year 12 students pagpatak ng October 5.
Kasabay ng pagkakaroon ng 80% na fully vaccinated na populasyon ang pag-alis ng lockdown sa Melbourne. Inaasahang magaganap ito sa October 26.
At kapag fully vaccinated na ang 80% ng Victorians, ang mga nasa Regional Victoria at Metropolitan Melbourne ay magkakaroon ng parehong restriksyon.
Inaasahan ni Premiere Andrews na sa pasko ay pwede nang magtipon ang hanggang 30 tao at pwede na rin ang interstate travel.