Key Points
- Kabilang sa kasunduan na nilagdaan ng Pilipinas at Germany ay ang pamumuhunan sa isang planta na gagawa ng armored protected cars at military-grade armored personnel carriers gayundin ng solar cell manufacturing facility.
- Binigyang diin din ng Pangulo ang kahalagahan ng Germany sa negosasyon ng Pilipinas sa muling pagkakaroon ng Philippines – European Union Free Trade Agreement.
- Muli iginiit ng Germany ang kanilang suporta sa Pilipinas sa sigalot sa South China Sea.
Lusot na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang resolution of both houses number 7 o rbh number 7 -- iyan ang panukalang pag-amyenda sa economic provisions ng saligang batas.
Target itong maipasa sa ikatlo at huling pagbasa sa susunod na linggo, bago ang Holy Week break.
Sa ilalim nito, pinapayagan ang mas malaking partisipasyon ng mga dayuhan sa pagne-negosyo sa mga larangan ng public utilities, edukasyon at advertising na magpapalago sa ekonomiya at maglilikha ng mas maraming trabaho at oportunidad.







