Suporta para sa mga aspiring content creators

Filipino Vloggers in Australia

Filipino Vloggers in Australia Source: Filipino Vloggers in Australia

Sa patuloy na pagsikat ng vlogging, layunin ni Jojo Seriña, tagapagtatag ng Filipino Vloggers in Australia na palakasin ang kakayahan ng mga content creator sa tulong ng kanilang grupo.


Ayon kay G. Seriña, ang mga Filipino vlogger sa Australia ay isang resource group para sa mga digital content creator.

"It's a group where we can share tips and ideas on how to grow our YouTube channel. It's also a place where we can feature and support Filipino vloggers here in Australia."

Pagbahagi niya, sa halip na gamitin ang diskarteng Sub for Sub na na-set up upang mapalakas ang mga numero ng subscriber sa buong pamayanan ng YouTube, ang grupo nila ay isang mas mabisang paraan upang mapalago ang channel ng mga vloggers.

"Sub for sub is illegal. Sub for sub is when you ask someone to subscribe to your channel and you will subscribe back to theirs."
Jojo Seriña, founder of Filipino Vloggers in Australia aims to empower aspiring content creators through their newly formed group.
Jojo Seriña, founder of Filipino Vloggers in Australia aims to empower aspiring content creators through their newly formed group. Source: Jojo Seriña
Natutuwa si G. Seriña na higit sa 200 vloggers ang sumali sa grupo. Nasasabik siyang ipamahagi sa mga miyembro ang kanilang mga karanasan upang magbigay ng inspirasyon sa kapwa vloggers.

Aniya, nagunsad sila ngayon ng mga virtual events upang matulungan ang mga miyembro na palaguin ang kanilang mga channel.

"I'm so amazed of the response of Filipinos in the group. They’re happy we came up with this especially those who just started vlogging. In this group, we can teach them how to set up their first channel."

At habang ang mga vlogger ay maaaring kumita mula sa kanilang mga channel, hindi naman maipagkakailang ang paglikha ng mga video ay nangangailangan ng labis na dedikasyon at pagsisikap.

"You'll be able to monetise your channel if you have many views but it requires a lot of patience. So before thinking about the money, think about the passion you're willing to put in."

Hikayat din niya sa mga content creator na pagtuonan ng pansin ang paggawa ng de-kalidad na nilalaman para sa kanilang mga vlog.

"The golden rule is creating quality content. The best things about us Filipinos is we have a captive market. We want to see and relate to other people's lives that's why we watch vlogs. The more organic the vlog, the more support."

Kung ikaw ay isang content creator na naka-base sa Australia, maaring sumali sa Filipino Vloggers in Australia.







 
 
 


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand