Digmaan sa droga malaking kamalian: Richard Branson

Richard Branson and Dr Marianne Jauncey

Source: SBS/RonaldManila

Ang pangdaigdigang digmaan sa droga ay matagal nang dapat itinigil, pahayag ng bilyonaryong Richard Branson.


Mula sa pananaw ng negosyo, sinabi ng isa sa  nagtatag ng Virgin Group ang brutal na digmaan laban sa droga ay hindi epektibo at marami ang nadamay, at kailan ng panibagong pagharap.

"The war on drugs has been going one now for  nealy 60 years.  As an entreprenuer and a businessman, if something had failed abysmally, we would have closed it down 59 years ago," pahayag niya.

Binabanggit ni Branson ang matigas na posisyon ng maraming pamahalaan sa buong mundo laban sa droga, at kahit pa man pagbabawal ng alkohol, na kung saan marami ang namatay sa pagtrato sa mga gumagamit ng mga ito bilang kriminal.

Sa pamamagitan ng kanyang matagumpay na Virgin Record hanggang sa pagbili nito ng Universal Music Group noong taong 2011, binigyan ni Branson ng mga impluwensiya at tinig ang maraming mga baguhang musikero  na naging tanyag tulad nina Boy George, Ben Harper at marami pa.

Ngayon, nagsasalita siya mismo para labanan ang pangdaigdigang digmaan laban sa droga.

Sinabi ni Branson, ang digmaan sa droga ay malaking kabiguan na lumikha ng "untold misery around the world. People have been executed. People have been locked out. People who have drug problems, instead of being helped, they have been thrown into  prison. They died from their drug problems."

Si Branson, na namatayan ng anak dahil sa droga,  ay bahagi ng  Global Commission on Drug Policy na itinutulak ang pag-aalis ng paggamit ng droga bilang isang krimen at pagtrato sa mga adik sa droga bilang biktima at hindi kriminal. '

Si Dr Khalid Tinasti  ay ang  Exectuive Secretary ng grupo. Sinabi niya anumang solusyon sa ilegal na paggamit ay dapat ituturing ang kalusugan ng gumagamit.

Nais ng Komisyon na sundin ang modelo ng Portugal na di-ginawang ilegal ang paggamit, pag-mamay-ari at pagbili ng kaunting dami  ilegal na drogal.  Ititnutulak nito ang malawakang pagbabago ng panlipunang estruktura sa paggamit ng droga, kasama na rito ang mga reporma sa edukasyon, kalusugan at sistema ng batas.

Sa Portugal, sinabi ni Branson "if you take heroin, you will not be criminalised, and the state is here to help you. You can come and inject safely and be supervised."

Si Dr Marianne Jauncey ay ang Medical Director  ng Uniting Medically Supervised Injecting Centre sa Kings Cross Sydney, na nag-iisa sa  Australia .

Inamin niya na ang Portugal Model ay mas makatao at base sa ebidensiya na nagta-trato sa paggamit ng droga bilang isang pang-kalusugan at pang-lipunang isyu kaysa sa kriminal na isyu

 











Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand