Highlights
- Maraming mga nais pumasok sa Australya ang nag-enroll sa online classes ngunit di na aprubahan ang kanilang student visa kahit pa may certificate of enrollment
- Tumaas din ang bilang ng mga international students sa Victoria na nakakaranas ng pang aabuso mula sa kanilang mga taga empleyo
- May mga international students na nakaranas ng pang aabuso o domestic violence mula sa kanilang ka-partner
Maraming international students ang hinihikayat na mag-enroll para online classes sa pag-aakala na aprubado agad ang kanilang student visa.
"Sa loob ng isang taon may 50 kaso na ang naihain ng Support Network for International Students (SNIS) para complaint sa education trafficking , ang layunin namin ay makaabot sa lugar kung saan maari kaming mag-lobby para pagbabago sa sistema at maiwasan ang education trafficking" Ness Gavanzo, coordinator, Support Network for International Students