Inilalarawan ng pinakahuling mga estadistika ukol sa mga pagkalunod sa Australia ang magkahalong larawan ng tagumpay at pagkabigo sa kampanyang mabigyan ng edukasyon ang mga tao ukol sa kaligtasan sa tubig. Larawan: Ang nagtuturo ng paglangoy, Fadila Chafic (SBS)
Mas kakaunting mga bata ang nalunod sa nakaraang labingdalawang buwan hanggang Hulyo, ngunit ang pangkalahatang bilang ng mga pagkamatay sa tubig sa bansa ay tumaas ng limang porsiyento sa loob ng nakaraang taon, kung saan may dalawangdaan at walumpung mga biktima.
Share




