Key Points
- Natukoy sa taunang ulat ng Australian Energy Market Operator na ang New South Wales, South Australia, Victoria, A-C-T at Tasmania ay haharap sa kakulangan sa gas sa susunod na apat na taon sa panahon ng matinding kondisyon sa panahon ng taglamig.
- Ang Australia ay isa sa pinakamalaking producer ng gas sa mundo. Ngunit 80 porsiyento ng suplay ay ipinapadala sa ibang bansa.
- Mas malaking pamumuhunan sa renewable energy ang kailangan, ayon sa isa sa konsehal ng Climate Council.