Sa iba pang balita sa Cebu, Hinikayat ni Cebu Archbishop Jose Palma ang mga nananampalataya na magtiwala at manalig sa Panginoon tulad ng muling nabuhay na Jesus sa pagdiriwang ng misa nitong nagdaang Easter Sunday o Linggo ng Pagkabuhay; Inilibing na ang dalawampu’t isang taong gulang na si Kis Katy Ramos na ga-graduate sana; Hindi na kailangan pang pumunta sa Kamaynilaan ang mga seafarers upang kumuha o mag-renew ng kanilang mga dokumento; at nakatakdang dumalo bilang panauhin si Asia Grand master Eugene Torre sa gaganapin na “National Master Glicerio ‘Asing’ Badilles Memorial Tournament na gagawin sa bayan ng Moalboal sa katimugang bahagi ng lalawigan ng Cebu.
Tubig nagkukulang sa ilang bahagi ng Cebu

Residents of Addition Hills in Madaluyong City, Manila, queue to recieve water distributed on water tank truck and fire trucks on March 15, 2019. Source: AAP
Umabot na sa tatlumpo’t dalawang mga lugar o barangay sa siyudad ng Cebu ang walang dumadaloy na tubig sa gripo o di kaya ay bawas ang oras ng pagdaloy ng tubig sa kanilang gripo. Karagdagang mapag-ipunan ng tubig tulad ng mga mini-dam, at mga sariling water cisterns o tangke ng tubig para sa mga tahanan at mga establisimyentong pangkalakal ang siyang itinutulak ng pamahalaang panlalawigan at pamahalaan ng syudad ng Cebu bilang pangmatagalang solusyon sa problema ng kakulangan ng tubig.
Share

