Pagkilala sa pagka-Pilipino: Mga komunidad sa buong Australia ginugunita ang Kalayaan ng Pilipinas

Philippine Independence Day 2022

Philippine flag-raising at the Federation Square in Melbourne for June 12 Independence Day celebration. Source: SBS Filipino/TJ Correa

Para sa maraming mga Pilipino sa Australia, mahalagang maalala at patuloy na ipagdiwang ang kalayaan ng Pilipinas kahit saan mang bahagi ng mundo na sila naninirahan.


Highlights
  • Ipinagdiriwang ngayong Hunyo 12 ang ika-124 na taong anibersaryo ng kalayaan ng Pilipinas.
  • Ang patuloy na selebrasyon ng kalayaan ng Pilipinas ay tanda ng pagkilala sa pinagmulang bayan.
  • Iba't ibang mga pagdiriwang ang nagaganap sa buong Australia bilang paggunita sa paglaya ng Pilipinas noong 1898.
Pakinggan ang audio




Philippine Independence Day 2022
Members of the Filipino community in Melbourne come together to attend the Philippine flag-raising ceremony at the Federation Square in Melbourne. Source: SBS Filipino/TJ Correa

Pagdiriwang sa Melbourne

Kahit maulan sa Melbourne ay hindi napigilan ang paggunita ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.

Pinamunuan nga ng Konsulado ng Pilipinas dito sa Melbourne ang flag honoring ceremony para na rin sa komemorasyon ng ika-124 na anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas.

Ginanap kaninang 8:00 ng umaga ang pagtataas ng watawat sa Federation Square grounds sa Melbourne na sinimulan sa Acknowledgement of Country and People sa pamamagitan ni Binibining Fides Santos Arguelles at Panalangin mula sa iba’t ibang relihiyon sa pangunguna ni Monsignor Joselito Asis at Reverend Berlin Guerrero. 

Pinamunuan naman ng Katipunan-Australia ang Entry of Colours habang inawit ng Kiko Choir ang Pambansang awit ng Pilipinas na Lupang Hinirang.

Nagbigay naman ng talumpati ang Consul General of the Philippines Melbourne na si Maria Lourdes Salcedo at binasa din nito ang mensahe ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Selebrasyon sa Wagga Wagga

Isang misa naman ang panimula ng selebrasyon sa Wagga Wagga sa New South Wales.

Sa pagtutulungan ng komunidad Pilipino sa hilaga ng NSW at sa simbahan sa pangunguna ng Pilipinong pari na si Fr Joemarc Calma, isang pasasalamat na misa ang gagawin nitong hapon ng Hunyo 12.

Para kay Annabelle Regalado-Borja, magandang pagkakataon ang araw na ito para muling magtipon ang komunidad.

"Lagi nating icelebrate yung Philippine ndependence kasi ‘yun ang nagpapabalik sa atin sa kultura natin at kung saan tayo nanggaling bilang mga Pilipino."

Para kay Delia Freeman, hindi dapat na mawala ang ating pagka-Pilipino kahit na matagal na tayong nakatira sa ibang bansa.

Pwede pa rin nating ipagdiwang ang ating kulturang Pilipino, ipakilala ang ating mga tradisyon at ipatikim ang ating mga pagkain.

Paggunita sa Kalayaan ng Pilipinas

May iba't ibang selebrasyon pa na magaganap sa iba't ibang bahagi ng Australia nitong buong buwan ng Hunyo.

Ginanap ang Barrio Fiesta sa Brisbane nitong Linggo, Hunyo 12.

Sa Sydney, nitong Linggo din ginawa ng Philippine Community Council of NSW ang isang Philippine National Day Ball 2022 bilang kanilang pagdiriwang sa Rosehill, NSW.

Sa Hunyo 13 naman gaganapin ng Australian Philippine Commmunity Organisation ang APCO Freedom Ball  sa Lidcombe NSW.

Bilang bahagi din ng paggunita ng kalayaan ng Pilipinas, gaganapin ng Australian Filipino Association of the Central Coast ang "Pista ng Bayan" sa Hunyo 18.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand