Highlights
- Nagpapatuloy ang vaccine roll out sa Australia
- Handa na ang ilang miyembro ng nakatatandang komunidad na magpaturok ng COVID-19 vaccine
- Sa Phase 1b ng vaccine rollout, kabilang ang mga Seniors na may edad 70 pataas sa mga unang mababakunahan
Ibinahagi ng grupong Unified Filipino Elderly association ang kanilang saloobin tungkol sa COVID-19 vaccine.
Ayon kay Leti Lorenzana, isa sa mga miyembro ng grupo, bagaba't karamihan sa mga miyembro ay handa na at payag magpabakuna, siya naman ay may mga pag-aalinlangan tungkol sa bakuna.
"Para sa akin, okay na may bakuna. Ang aking pangamba lang ay dahil may mga pumanaw sa Norway na mga matatanda dahil sa bakuna at dahil ako ay 76 na at marami akong medical conditions gaya ng diabetes, hindi ako masyadong kumbinsido na magpapabakuna."
Sa kabila nito, sinabi niya bukas pa rin siya sa posibilidad na magpabakuna.
Sa Phase 1b ng vaccine rollout, kabilang ang mga Seniors na may edad 70 pataas sa mga unang mababakunahan kasama ang iba pang health care workers, mga Aboriginal at Torres Strait Islander na may edad 55 pataas, mga taong may sakit at kapansanan at mga high-risk workers tulad ng pulis, sundalo emergency services at nagtatrabaho sa meat processing.



