Hindi naging madali ang simula sa Australia kahit dentista si Dr Angelica Abesamis. Alamin ang kanilang kuwento ng sipag at tiyaga bilang mga migranteng Pinoy.
Key Points
- Si Dr. Angelica Abesamis ay top 1 sa board exams at graduate ng University of the Philippines, at kasama ang kanyang asawang si Edmond, pareho silang graduates ng University of the Philippines at practicing dentists sa Pilipinas.
- Bilang Filipino-trained dentists kinailangang sumailalim ni Dr. Angelica Abesamis sa masusing assessment ng Australian Dental Council bago siya makapagparehistro at makapagpraktis bilang dentista sa Australia.
- Kahit permanent resident na nang lumipat sa Australia noong 2013, dumaan sina Dr. Angelica Abesamis at asawang si Edmond sa hirap sa paghahanap ng trabaho at paupahang bahay. Ngunit hindi sila sumuko.
- Matapos ang mahigit 10 taon bilang mga dentista sa Australia, itinayo ng mag-asawang Abesamis ang sarili nilang dental clinic na may layuning maghatid ng serbisyong may Filipino values o pusong Pinoy na may kusa, malasakit, at kaizen o 'good change'.

Bilang graduate ng University of the Philippines at practicing dentist, bitbit ko ang disiplina at kahusayan na patuloy kong iniaalay sa aking propesyon, kasama ang paniniwalang ang tunay na serbisyo ay nakabatay sa malasakit sa pasyente.Dr Angelica Abesamis, Sydney-based Dentist



📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.
Share



