Dapat na nga bang ipag-utos ng pamahalaan ang pagsusuot ng face mask?
Magkakaiba ang pananaw ng maraming tao kaugnay sa pagsusuot ng face mask. Habang ang ilan ay naniniwala na ito ay dapat na personal na responsibilidad ng bawat isa sa atin, marami sa mga miyembro ng komunidad Pilipino na ating nakausap ang nagsabi na dapat na itong ipag-utos at gawing sapilitan
Mga highlight
- Ang pagsusuot ng proteksyon sa mukha ay makakatulong na maiwasan na mahawaan ng coronavirus.
- Iginiit ng gobyerno ang pagsusuot ng face mask lalo na sa mga residente sa mga lugar na nasa ilalim ng matinding lockdown.
- Ang paggamit ng face mask ay dapat na personal na desisyon at indibidwal na tungkulin ng bawat isa sa atin upang maprotektahan ang ating sarili at ang ating kapwa
"Dapat na tungkulin ito ng bawat isa"
Naniniwala si Jeamy Lee na indibidwal na tungkulin ng bawat isa ang pagsusuot ng mask, bagaman ito ay personal na desisyon pa rin. Pero isa itong paraan upang mapigilan ang pagkahawa ng coronavirus lalo kung ikaw ay lumalabas at nasa mataong lugr at hindi kayang mapanatili ang 1.5 metro na distansya sa ibang tao.
"On a personal note, I wouldn’t say that it has to be strict implementation. I still go with the recommendation (of the government). I think at the end of the day, it is a personal, an individual’s responsibility to think that if they are going outside and there’s a risk of being a crowded place and the chances of 1.5 metres distancing is low, we have to be personally responsible to wear a mask," saad ng binata.
Dagdag na proteksyon umano ito tulad na lamang ng pisikal na distansya, pero mahalaga na maging maingat tayo sa kontak natin sa ibang tao at sa mga bagay na nahahawakan natin kapag nasa labas at nasa mga pampublikong lugar.
"In a sense, if you think about it, the face mask is an additional preventive measure, like a physical measure, but at the end of the day it’s all about the contact and the things that you hold or touch when you are outside".
Sa tingin din niya, bukod sa pag-download sa CovidSafe app, mas mahalagang pag-iingat na palaging magdala at gumamit ng hand sanitiser kapag humahawak sa mga bagay o lugar na hindi mo alam kung madumi o malinis.

Nurse Jeamy Lee Source: Supplied
“If you touch a surface that is exposed to the virus, you are as pre-dispose as everyone else. So I suppose the much better measure to be implemented instead of the mask, would be, everyone should bring some sort or form of hand sanitiser and make it a habit to hand sanitise when you touch surfaces that you are not aware if clean or not.”
Labis din ang pag-iingat ni Jeamy Lee lalo na sa pagbisita sa kanyang mga magulang na parehong nasa mga edad na mas madaling kapitan ng sakit. Madalang siyang bumista sa kanyang mga magulang kahit na 5 hanggang 7 minuto lamang ang layo ng kanyang tinitirhan sa mga ito. At kung bumibisita man siya, pinapanatili pa rin niya ang kanilang distansya sa isa't isa.
Creating a physical barrier against the virus
Binigyang-diin naman ng isa pang nars mula Melbourne ang lubos na inirerekomendan na pagsusuot ng face mask tuwing ito'y posible lalo na kung ikaw ay nasa publiko dahil madalas may mga oras na hindi magawa ang social distancing.
Sinabi ni Mark Gideon Feliciano Vasquez na bagaman na may puntos din naman ang pananaw na hindi masyadong nakakatulong ang mask sa pagprotekta sa iyong sarili, naniniwala siya na ang face mask ay lumilikha ng harang o sagabal para maipasa sa iba ang sakit lalo na kung ikaw ay maysakit o kaya'y may sintomas.
“The perception that the mask is not very useful in terms of protecting yourself that is somewhat correct but more so the mask is there to create a barrier especially if you are sick or have symptoms to protect others from yourself”, pananaw ni Vasquez.
Paliwanag niya na "Yung mask po, it creates a barrier na sinasalo niya yung mga droplets na ‘yun, kasi ang first notion kapag bumabahing tayo sinasalo natin sa kamay natin kaya instead of sneezing on your hand nakakabahing tayo doon sa mask at kapag nagsasalita tayo sinasalo niya yung mga laway natin na pwedeng tumalamsik."

Nurse Mark Gideon Feliciano Vasquez in his full PPE gear. Source: Supplied
Dahil sa kanyang trabaho bilang nars sa isa sa mga ospital sa metropolitan Melbourne na nasa ilalim ng ipinatupad na lockdown, mahalaga para kay Ginoong Vasquez ang pagsusuot ng mask.
"What the mask essentially does is it creates a barrier regardless of any mask, because covid-19 is transmitted through droplets which comes from the mouth and also our olfactory regions which is our nose kaya ‘pag bumabahing tayo o nagsasalita hindi natin maiwasan na mayroong laway o sipon na lumabas."
Bukod sa mariin niyang inirerekomenda ang pagsusuot ng mask lalo na kung nasa publiko, payo din niya na patuloy na sumunod sa mga payong pag-iingat kasama ang mga sumusunod:
- Palagian at madalas na paghuhugas ng mga kamay gamit ang sabon at tubig lalo na kung humawak ka sa pampubliko lugar, bago kumain at pagkatapos pumunta sa banyo, upang kung di-sinasadya na mahawakan mo ang mukha o bibig o mata, hindi mo maililipat sa iyong mukha ang anumang nahawakan mong dumi.
- Magsuot ng proteksyon sa mata dahil madali din kapitan ng virus ang mga mata.
- Kapag bumabahing o umuubo, gumamit ng tisyu o itapat sa iyong nakabaluktot na siko at pagkatapos ay hugasan agad ang iyong mga kamay
- Kung nakakaramdam ka ng anumang mga sintomas, gayunman ito kaliit, agad na magsuri at matapos ng test, ihiwalay ang sarili sa ibang tao hanggang sa lumabas ang resulta ng test. Kung mag-positibo sa COVID-19, mag-isolate. At kung makaramdam ng matinding sakit, handa ang mga ospital na tanggapin ka, tawagan lamang sila bago magpunta sa ospital.
"Make it compulsory"
Panawagan naman ng first-time na ina na si Robelyn Godeloson, "dapat i-require na ng Victorian government na mag-mask ang mga taga-Victoria” at huwag nang hintayin pa ang mas mahigpit na gabay ng World Health Organization tungkol sa coronavirus.
Sa gitna ng pandemya, ipinanganak ni Ginang Godeloson ang kanyang panganay na anak tatlong buwan na ang nakakalipas. At bagaman hindi sapilitan ang pagsusuot ng mask, nagkusa siya at ang kanyang asawa na magsuot parati ng mask para pag-iingat na rin para sa kanilang unang anak.
"Hindi po kami bumibisita sa iba at hindi rin kami tumatanggap ng mga bisita hindi lang dahil sa lockdown kundi para sa baby namin," lahad ni Robelyn.
"I was excited to go out na mailabas siya pero dahil sa lockdown hindi ko po siya mailabas dahil mas importante ang health ni baby, at ako din at ng pamilya.”

First-time mother Robelyn Godeloson with her 3-month old baby. Source: Supplied
Hangad ni ina mula Clyde North na bahagi ng metropolitan Melbourne na sana'y makabalik na sa "new normal" at magagawa lamang ito kung "susunod po tayo sa mga guidelines ng government, maging aware tayo kung ano yung mga dapat gawin at kailangan po nating sumunod para makabalik na tayo sa ‘ika nga eh new normal”.
"It should be mandatory" at dapat maglaan ang gobyerno ng mga mask sa mga tao
Ilang mga kababayan pa natin ang nagbahagi din ng mga kanilang pananaw na karamihan ay nagsabi na dapat na itong gawing sapilitan lalo na't hindi nasusunod ang 1.5 metro na distansya.
Rhodora Dizon, isang lecturer sa isang unibersidad sa Wollongong, NSW
"It should be mandatory since people do not follow the 1.5 metre social distancing rule. I've lost count how many times I've glared at people for standing too close to me!"
Violi Calvert, freelance writer at broadcaster
"Should be mandatory especially in crowded places and public transport."
Raymond Policarpio, community leader and sports enthusiast
"Must..."
Dexter Mejia from Adelaide
"Required. As long as the government is going to provide them to absolutely everyone in Australia."
Alicia Ochoa Mendez
"Your only protection since no vaccine yet. It helps."
Junn Gonzales Odon
"Ginagamit na namin sa crowded area since the outset of this virus."
Tita Roni
"Dapat, lalo na sa shopping centres at public transport systems."
Ano man ang inyong pananaw tungkol sa pagsusuot ng face mask, pinakamahalaga pa rin na manatili sa bahay lalo kung walang masyadong importanteng bagay na gagawin sa labas. At kung nasa labas naman, panatilihin ang 1.5 metro na distansya sa bawat isa.
BASAHIN DIN / PAKINGGAN