Ang SBS ay naghahanap ng Content Producer para sa programa sa wikang Filipino sa ilalim ng casual employment.
Kung may ugnayan ka sa komunidad Pilipino sa Australia at sa mga kultural nitong sensibilidad, maaring mong ibahagi ang kaalaman at karanasan mo sa radyo at online platforms ng SBS Filipino.
Upang makonsidera sa papel na ito, kailangan mong:
- Maging bihasa sa pagsusulat at pagsasalita ng wikang Filipino at Ingles; ang mga mapipiling aplikante ay kinakailangang pumasa sa language assessment
- May karanasan bilang broadcast journalist at may mahusay na editorial skills
- May napatunayang karanasan sa paggawa ng digital content at pamamahala ng social media sa iba’t ibang platforms
Ang mga aplikante ay dapat may full working rights sa Australia at naninirahan sa Sydney upang maging kwalipikado. Ang posisyong ito ay casual at isinasagawa onsite sa aming mga studio sa mga itinalagang shift.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa posisyon at proseso ng aplikasyon, mangyaring bisitahin ang aming website.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.







