Highlights
- Aabot sa $150 milyon ang pondong inalaan ng Victorian government para sa augmented at virtual reality na pagtuturo at pati ang tinatawag na artificial intelligence.
- Kailangan maging innovative para makasurvive hangang 10 taon kung saan gagamitin na ang mga automated machines at automated systems sa buong mundo.
- Kumuha ng micro-credential courses na inaalok ng mga unibersidad pati sa Tafe, para may kaalaman sa digital skills at di mapag-iwanan sa karera.
Pero ayon sa report ng Royal Melbourne Institute of Technology ( RMIT University) 1 sa 4 na empleyado sa Australia ay walang kaalaman tungkol sa kung paano gumalaw ang Digital Age. Kaya may malaking puwang na kailangang punuin ng sistema ng edukasyon ngayong di pa-urong ang takbo ng Australia.
Lolobo hanggang sa 500 porsyento ang pag-akyat ng kita ng mga empleyado na may alam sa advanced digital skills sa taong 2030. Ayon yan sa report ng Oxford Economics at Snap Inc, na parent company ng Snapchat.
“Forecasts have shown that 3 in 5 Australian jobs will actually require advanced digital skills by the year 2030, which isn’t that far off. And it’s interesting that although young people have absolutely been the hardest hit economically by the pandemic at the moment, they’re also the group that possess the right skills and the outlooks to really excel in this workforce of the future,” kwento ni Kathryn Carter ang general manager ng Snap Inc.
Sabi ng Flinders University Professor sa Innovation na si Giselle Rampersad, kabilang sa mga kasanayang ito ang industry four point zero technologies, gaya ng advanced robotics, automation, 3-d printing, virtual reality , augmented reality at digital twins.
"So digital twin is where we have a virtual representation of something physical: it can be a ship, a submarine, a frigate, a wind farm factory or a white good in our homes. We are able to optimise our product designs, remotely monitor performance such as energy efficiency or predict maintenance requirements and create smart products, ”kwento ni Rampensad.
Dagdag ni Carter, nakikita ng snapchat na ang augmented reality ay isang importanteng teknolohiya sa automation at engagement na magagamit ngayon pati sa hinaharap." We believe that as these technologies really proliferate the workforce, more employers will pay for greater premium on the digital know-how and these advanced cognitive skills such as creativity and problem-solving,” sabi ni Carter.
Pero sabi ni professor Rampersad kailangang may baguhin sa sistema ng edukasyon ng bansa ngayon, para maihanda silang mga bagong henerasyon para sa makabagong klase ng trabaho, sa hinahanap.
“More is certainly needed to build a pipeline from stimulating students from primary schools through to high schools in STEM areas and converting that to grow the pipeline of students studying areas of need and skills shortage primarily in job-ready areas such as engineering, cybersecurity and computing at schools, sabi ni Rampersad.
Positibo naman ang nakikita ng mechatronics engineer na si Kasun Kalhara mula sa Queensland, sa usaping ito.
Dahil imbes na mabahala na posibleng mawalan ng trabaho, dahil gamit na ang mga robot, gamitin umano itong oportunidad nilang gustong matuto ng bagong teknolohiya para tumuklas ng makabagong likha.
Ang pagkakaroon ng critical thinking skills, agility o pag-iisip ng mabilis at tama, pagiging mausisa at higit sa lahat ang pagkamalikhain ay susi para mabuhay at makasabay sa bagong klase ng pamumuhay kung saan awtomatik na halos ang lahat.
“These skills are vital to determine the appropriate level of trust and reliance on technology to evaluate what situations automation is useful and in what situations humans are more effective in those less routine, less predictable tasks.”
Paliwanag ni Kalhara bilang nagtatag ng Life Engineers Australia, na isang not- for- profit social enterprise na nagbibigay tulong para magkapag-aral silang kapus sa buhay para balang araw ay maging maginhawa din ang kanilang pamumuhay.
Kailangan umanong tutukan ang kasanayan sa komunikasyon dahil hadlang ito para maibahagi ang kaalaman at kasanayan nang sinumang bagong dating dito sa Australia.
“They definitely have the knowledge; however, it's about presenting the knowledge and getting the knowledge out there because they might be using different terms or different technical terms back in their home countries, so it’s sort of like the translation, so I believe few migrants are lost in terms of translating their experience, knowledge to the Australian workforce,”ayon kay Kalhara.
Gaya ni Kalhara na dati isang international student mula sa Sri Lanka, na ayon sa kanya, ilang taon din ang kanyang binilang para lang masanay sa lingwahe at kultura meron ang Australia.
Bilang motivational speaker, negosyante at guro, payo ni kalhara nilang nahihirapan magsalita at maka-intindi ng wikang english, dapat trabahuin ang skill na yan , para makasabay at makakuha ng magandang trabaho ngayong nasa digital age na ang buhay sa Australia.
“They need to push their comfort zone a bit. They might not feel very welcome. They might not feel that I did communicate my message very well. You need to keep trying. Could be multiple times. You might have to take a few attempts to communicate the same message in different ways,” payo ni Kalhara.
At kung ang coronavirus ay isang pagsubok para masabing handa na ang bansang Australia para sa makabagong pamumuhay o digital economy,
Lumabas sa pag-aaral ng RMIT na isa sa apat na empleyado ay nahihirapang itawid ang isang buong araw ng pagtatrabaho dahil sa pandemya. Ibig sabihin may empleyado na nahihirapang tapusin ang mga trabaho sa bahay dahil hindi sanay gumamit ng makabagong teknolohiya gaya ng computer sa kasalukuyang work from home set up.
Kaya ayon kay Professor Rampersad, para maging handa sa pagbabagong ito, kumuha micro-credential courses o kurso na inaalok ng universities at kolehiyo o kaya sa tafe.
Ito yong mga kursong mabilisan lang kung matatapos o certification-style na kwalipikasyon para mapabuti pa ang skill para sa isang partikular na industriya. May eskwelahan ding nag-aalok ng online courses.ang mga kursong ito ay pwedeng matapos ng ilang linggo o buwan bago makuha ang panibagong kwalipikasyon.
Sa karanasan ni Professor Rampersad, maraming nagtatrabaho sa sektor ng trades na hindi nakapag-aral ng unibersidad pero nakakuha ng digital skills sa loob lang ng ilang buwan.
“Last year, through the Diploma of Digital Technologies, we upskilled 51 shipbuilders who were facing redundancy at the end of one shipbuilding program before the next one started. That period known in shipbuilding as the ‘valley of death’, and rather than losing workers at the end of the diploma in January this year, these workers all secured work in shipbuilding,” dagdag ni Rampersad.
Sa pinakabagong ulat ng World Economic Forum’s Future of Jobs, lumabas na 94 percent ng mga may ari ng malalaking kompanya, ay umaasang ang mga empleyado ay makakakuha ang bagong kaalaman o skill sa mismong trabaho habang kwarenta porsyento naman ng mga empleyado sa isang kompanya ay kailangan nang isailalim ng panibagong pagsasanay sa loob ng ilang buwan.
Dahil naniniwala ang mga ito na ang pagiging mapamintas na pag-iisip o critical thinking, mapanuri kung mag-isip , may angking kasanayan sa paglutas ng problema , at self-management skills, gaya ng kagustuhang matuto , katatagan , kakayahang makibagay, may mahabang pasensya, at hindi susuko sa problema , ay mahalagang katangian at abilidad upang kayang makasabay sa mga pagbabago sa hinaharap.
Sa kabuuan, sabi ni Professor Rampersad para makasabay, patungo sa hinaharap kailangang dagdagan ang kaalaman para hindi maiiwan.
“I think about age care and health care workers, some of the innovations I am currently involved in, it’s around health technologies and product to assist the safety of workers or rehabilitation of patients but we can only make progress in those areas if we understand the problem; so actually having people with backgrounds in whatever discipline they can certainly contribute to the future,” dagdag pa ni Professor.