Pakinggang ang audio
Wala pang inanunsya si Australian Prime Minister Scott Morrison sa petsa para sa pederal na eleksyon subalit, inaasahang posibleng sa ika-7, o ika-14 o ika-21 ng Mayo nitong taon.
Sa inilabas na Newspoll kahapon Abril, lumalabas na nangunguna na ang Labor sa Coalition sa 54 hanggang 46 na porsyento sa two-party category.
Highlights
- Ang pag-uugali ng mga kandidato at lider ng partido ay seguradong tututukan ng mga botante ngayong panahon ng kampanya.
- Labor leader Albanese at Prime Minister Morrison parehong nahaharap sa pressure para sagutin ang alegasyong pambu-bully.
- Ibang election analysts posible umanong ang pederal na eleksyon ay hahantong sa hung parliament.
Ngunit ano nga ba ang sukatan para masabing ang isang partido ang mananalo sa eleksyon?
Ayon kay Haydon Manning ang associate Professor ng politics and government sa Flinders University, kung ngayong araw ang botohan ang Labor party ang panalo pero hindi lang yan ang tunay na nangyayari.
" Sa ngayon lugi si Labor leader Anthony Albanese. Ganito din kasi ang nangyari sa nakaraang eleksyon. Samantala ang gobyerno kasi nakabawi dahil inanunsyo ang Budget kaya nakatulong ito para humakot ng boto."
Kaya sabi naman ni Australian National University history professor Frank Bongiorno, maraming dahilan kung bakit kailangan maging maingat ang mga komentarista sa kanilang hula o prediction kung sino ang mananalo ngayong taon.
" Mag-aalinlangan ang mga nagbibigay ng hula dahil iba-iba ang nangyayari sa eleksyon. Totoong hindi popular ang gobyerno at ang Labor ay umaarangkada at bawat estado ay hindi ganito ang nangyayari.
Sa Queensland ang Labor party ay may hawak lang ng 20 posyento ng mga nakaupo sa House of Representatives."
Sa bandang Queensland kung nasa 30 lang mula sa 151 na House of Representatives ang kakampi ng Labor sabi ni Bongiorno dapat pagtrabahuan ito ang partido para makakuha ng karamihan sa pwesto.
Kung pag-uusapan kung sino ang mas magaling na prime minister, sabi ni University of Queensland political science senior lecturer Dr Glenn Kefford noong una ang nakaraang lider ng bansa ang mas lamang para sa pwesto, pero nag-iba na ang kasalukuyang panahon.
" Nitong nakaraan lang nauungunsan na si Morrison ni Albanese sa mga survey kung sino ang mas gustong maging punong ministro ang pag-uusapan, kaya hindi natin hawak ang tunay na mangyayari sa eleksyon."
Ang karakter nila Labor leader Anthony Albanese at Prime Minister Scott Morrison sa pagkakataon ito ang pinakamahalaga, lalo’t ang dalawang ito ay inaakusahan ng pambu-bully.
Lalo na ang usaping tungkol sa mga alegasyon ni Senator Kimberley Kitching na biktima umano ng pambu-bully sa kanyang mga kasamahan sa senado tulad nila Penny Wong, Kristina Keneally at Katy Gallagher, bagay na itinanggi ng mga inakusahang senador.
At inakusahan nga ni Prime Minister Morrison na binabaliwala lang ito ni Opposition leader Albanese.
Ngunit sa kabilang banda, inakusahan din si Morrison ng pambu-bully ni Liberal senator Concetta Fierravanti -Wells.
Ang akusasyong ito ay suportado nila Independent Jacqui Lambie at One Nation senator Pauline Hanson, bagay na pinabulaanan ng punong ministro.
Kasama din sa pinabulaanan ni Morrison ang umano’y pagbibigay ng pangit na komento nito na “Lebanese background” sa karibal nito dati noong 2007.
Ayon kay Associate Professor Manning, dapat tandaan ng mga lider na ang kanilang tunay na pag-uugali ang nakabanlandra o sentro ngayon sa pangangampanya nitong eleksyon.
" HIndi pangkaraniwang na maging tutok ang mga botante sa ugali ng mga kandidato pero sa panahon ng kampanya seguradong ito ang mainit na pag-uusapan. Kabilang din ang isyu sa ekonomiya , edukasyon at pangkalusugan."
Isa din sa isyu na gustong pagtuonan ng pansin ng mga bontante nilang nasa pwesto at mga kandidato ay ang climate change.
Dagdag ni Manning, aasahan din umanong magiging maiinit ang kampanya sa usaping ito mula sa mga kandidato sa independents sa Liberal na pwesto .
Sa ngayon, marami ng mga botante sa bansa ang gumagamit ng mas maagang pamamaraan sa pagboto o early mode method gaya ng postal votes na karamihan ginagamit ng mga mas nakakatanda at konserbatibong mga botante.
At inaasahang may malaking epekto ito sa pinakahuling araw ng bilangan sa eleksyon.
Saad pa ni Dr Kefford ang nakaraang pederal na eleksyon ng bansa ay masasabing “close race” at ang lumalakas na suporta ng mga independent na kandidato ang magpapaiba sa takbo ng politika ng bansa. Ibig sabihin nito hindi lang dalawang partido ang naglalaban gaya ng dati.
Dagdag nito malaking hamon din ang epekto ng pagbubunyag ni Brittany Higgins sa parlyamento at krisis gaya ng pagbaha, bushfires at pandemya.
" Ang mga botante pagod na sa mga propaganda na yan. Naghahanap na sila ng mga bago at iba na magbibigay ng kaginhawaan sa sitwasyon kung ano meron sila o ang bansa ngayon."
Ayon naman sa ibang komento posible umanong magiging bitin ang resulta ng eleksyon.
Ibig sabihhin, posibleng ang Labor o Liberal ang makakakuha ng mas maraming pwesto sa House of Representatives at hindi ito bago dahil nangyari na ito sa panahon ni dating Prime Minister Julia Gillard noong 2010.
At sabi ni Professor Bongiorno, ang tumataas na boto mula sa mga independent at maliliit na partido ang daan para mangyari ito.
" 25 porsyento ng mga botante ay hindi lang buboto ng isa o ibang malaking partido kasama na dyan ang National party. Ibig sabihin nito may oportunidad na may independents at minor parties na manalo."




