Pangarap ni Niño Muzones mula sa Aklan ang maging chef kaya't nag-aaral na siya sa Pilipinas ng Culinary Arts pero mas nais pa niyang palawigin ang kaalaman at mag-aral ng Commercial Cookery sa Australia pero aminadong hindi madali sa kanya kung paano simulan ang proseso.
Highlights
- Ayon sa Registered Migration Agent na si Johanna Nonato ng BridgeAus Migration Consultancy, mahalaga na malaman muna kung ikaw ay papasa sa pre-qualification kung nais mag-aral ng Commercial Cookery. Susunod ay ang paghahanap ng eskwelahan at pag-eenrol dito.
- Kung makakuha ng Letter of Offer mula sa eskwelahan ay maari ka ng magbabayad ng tuition fee depende sa napagkasunduan. Dito ay bibigyan ka ng Confirmation of Enrolment at pwede ng mag-apply ng Student Visa.
- Ang proseso ng Student Visa ay maaring umabot sa karaniwang dalawa hanggang apat na linggo ngunit depende pa rin ito sa proseso ng Immigration. Isang dapat patunayan ay ang kapasidad na pinansyal sa panahon na ikaw ay mag-aaral at ang tinatawag na genuine temporary entrant requirement o GTE.
Sa kaso ni Niño, tila madaling mapatunayan ang GTE dahil nag-aaral siya sa Pilipinas ng Culinary Arts at may restaurant ang pamilya nito sa Kalibo.

Niño Muzones studying Culinary in the Philippines Source: Niño Muzones
Payo ng Registered Migration Agent na si Johanna, alamin maigi kung kanino makikipag-transaksyon at siguraduhing may kontrata at may kopya ka nito para malaman ang mga detalye at karapatan mo.

Melbourne-based Registered Migration Agent Johanna Nonato