Kadalasang nagtatagal sa kanilang trabaho ang mga taong nasa mga industriya ng manufacturing at retail. Subalit ngayon, nagsisimula nang magkaroon ng mga pagbabago. At ang higit na naapektuhan ng mga pagbabagong ito ay ang mga nagtrabaho na ng mahigit 10 taon.
Ayon kay Simon Rountree ng Change Ready, pioneer ng workplace engagement, resilience at wellbeing, sa tamang pagplano, suporta at kung magiging bukas ka sa mga pagbabago, maaring magbigay-daan ito sa mas magagandang mga oportunidad at bagong career.
Paano makakayanan ang pagkawala ng iyong trabaho
Isang mahirap na pagsubok ang mawalan ka ng trabaho lalo na't tumatanda ka na. Ngunit ayon sa mga eksperto, may ilang mga bagay na maaari mong gawin upang makapagsimula kang muli at malagpasan ang pagsubok na ito.
1. Planuhin kung saan mapupunta ang iyong pera
Mahalagang simulan mo na ang pagpaplano kung saan mo balak gamitin ang iyong natitirang pera. Maaaring makatulong na maging bukas sa anumang maaaring mangyari. Ito man ay kung sakaling hindi ka agad makakuha ng trabaho o makahanap ka agad ng kapalit na trabaho, importante na ikaw ay maging handa.
“But certainly for others, who are facing real financial hardship, you need to go out and seek support or get information from the relevant government agencies like Centrelink,” sabi ni Mr Rountree.
2. Alamin ang iyong mga transferable skills
Isa sa mga bagay na dapat mo pagtuunan ng pansin ay suriin ang iyong kakayahan. Ayon kay Mr Rountree makakatulong na isulat ang lahat ng mga kaya mong gawin sa iyong kasalukayang trabaho.
“Look at the job market and speak to recruitment agencies and see what opportunities and roles are compatible to your skills. There is a great possibility that the next job that you get will actually be not like the one that you just left,” sabi niya.
Makakatulong din kung matagal ka nang nagtatrabaho. Dahil nangangahulugan ito na mayroon ka ng kasanayan na maaari mong magamit sa susunod mong trabaho.
3. Lumikha ng isang bagong gawain
Kung nawalan ka ng isang pagkakaabalahan, subukan mong mag-isip ng panibagong gawain.
“For somebody who has lost that routine (i.e going to work five days a week, driving and parking in the same space, or catching the same bus and talking to the same people and working with the same people), part of that new one is looking at what you’re passionate about.”
At maaaring ito na ang pinakahihintay mong oportunidad na subukan ang mga hilig mong gawin.
Huli na ba para sa akin na magsimula muli?
Hindi maiiwasan na maharap ka sa ganitong sitwasyon. Anumang oras o kahit anumang eded, maaari kang maharap sa redundancy. At tiyak na kung mas matanda ka na, normal lamang na mahihirapan kang harapin ang mga pagbabago.
Sa halip na maging negatibo, mas makakatulong na buksan ang iyong pag-iisip sa mga bagong hamon at tanggapin ito na isang pagkakataon upang matuto at umunlad.



