Ang mga pagkansela ng visa ay karaniwang nangyayari batay sa paglabag sa mga kondisyon ng visa, hindi pagtupad sa mga kinakailangang ugali o character requirement o pagbibigay ng maling impormasyon sa isang visa application.
Mga highlight
- Dapat na mabilis na tumugon kapag nakatanggap ng abiso ng pagkansela ng inyong visa o Notice of Intention to Consider Cancellation of your visa mula sa Department of Home Affairs.
- May iba't ibang paraan para hamunin o tutulan ang kanselasyon ng visa, depende sa uri ng pagkansela, ngunit sa pangkalahatan, ang mga tao ay may karapatang mag-apela sa pamamagitan ng Administrative Appeals Tribunal (AAT), kung ang kanilang visa ay tinanggihan o kinansela sa ilalim ng Seksyon 501 ng Migration Act.
- Ang pagbibigay ng hindi tamang impormasyon ay maaaring makaapekto sa katayuan ng visa ng isang tao hanggang sa punto ng kanilang aplikasyon para sa pagkamamamayan.


