Laging mamahalin ng mga Pinoy ang mga Pilipinong produkto nasaan man sila sa mundo.
Ngayon, maraming mga tindahang Pilipino ang pwedeng mapagbilhan sa Australya. Kaya huwag mag-alala para sa mga matapat na Pinoy fans diyan. Maswerte si Dan Villanueva, kilala bilang Papa Dan sa Pilipinas dahil nakausap niya ang mga may-ari ng dalawang malaking tindahang Pinoy sa Melbourne at Sydney.
Ma "Swerte" Filipino Asian Store sa Melbourne
Kung naghahanap ng tindahan na nag-aalok ng kumpletong mapagpipiliang Pinoy groceries, maaaring pumunta sa Ma "Swerte". Ikaw ay siguardong maswerteng makakahanap ng mga paboritong produkto at pagkaing Pinoy dito. Huwag kalimutang tikman ang kanilang adobong mani, sisig, letson at toron na may langka. Humarurot agad sa 457 Ballarat road, Sunshine, Victoria.

Ma "Swerte" Filipino Asian Store in Melbourne, Victoria. Source: Dan Villanueva
Masagana Oriental Variety Store sa Sydney
Bukas simula 1997, nag-aalok ang tindahan ng malawak na display ng mga Pilipinong produkto tulad ng biskwit, longganisa, de-lata, instant noodles, chichirya at maraming mga sangkap sakaling magdesisyong magluto ng Pilipinong putahe. Kaya dalhin na ang iyong shopping bag at pumunta sa inner West ng Sydney, 13 Charlotte street, Ashfield.
Kung wala ka namang oras para mamalengke dahil sa busy na iskedyul, ipahatid ang mga paboritong produkto sa iyong pintuan. Maaaring maghanap ng mga tindahang Pinoy online na may serbisyong delivery.

Masagana Oriental Variety Store in NSW. Source: Dan Villanueva
Maligayang pamamalengke!
BASAHIN DIN:
READ MORE

Pinoy favourites: Chicken Inasal
READ MORE

Pinoy favourites: Tsokolate




