Saan mo ipupuhanan ang karagdagang $3000

Rudolf Kotik, top of the photo, presents franchise opportunities

Source: Supplied by Philippine Trade & Investment Centre

Pagkatapos maka-ipon ng sapat na salapi sa paghihirap magtrabaho sa ibayong dagat, nagpasya kang ipuhunan ang iyong pinaghirapang ipon pabalik sa Pilipinas, at saan mo ito ilalagay?


At sa totoo lamang, maraming dapat pag-pilian.

Suablit, kung ikaw ay may minimum na kitang P100,000 at nais mong maging "entrepreneur" ang pagbili ng isang franchise ang maaring piliin

Ang pagkakaroon ng prankisa ay patuloy na isa sa pinaka-mabilis na lumalagong sektor sa Pilipinas. Ang paglago ng populasyon, malaking kita, pagpili ng mga customer at karagdagang kaganapan sa ekonomiko, lalu na sa imprastruktura ang nakatulong sa paglago ng mga prangkisa sa Pilipinas. Nagpapatuloy ang demand, lalu na sa mga inobatibong produkto at serbisyo.

Sinabi ni  Rudolf Kotik ng RK Franchise Consultancy, na kadadalaw lamang sa Sydney at Auckland para magbigay ng seminar sa franchising sa minimum na pamumuhunan, ang isa ay maaring mag-may-ari ng ilang negosyo sa pamamagitan ng prankisa.

“If you  don’t have time to operate the business by yourself,”  ni-rekomenda ni Kotik    “you enter into a ‘co-ownership franchise’ deal where you as an investor become a co-owner of a franchise operated  by the franchisor, not a franchisee as in an ordinary franchise agreement.”

Sinabi ni Kotik, may lumalagong tagumpay sa co-ownership franchise dahil ang mga may-ari ay hands-on sa araw -araw na operasyon ng negosyo. At karamihan sa kanila ay mga OFW na alam kung paano maghirap at mag-trabaho para sa kanilang salapi.  

Binanggit ang isang prangkisa ng salon, sinabi ni Kotik, kugn ikaw ay mamumuhunan ng P100,000 ikaw ay maaaring isa sa labing limang nag-ma-may-ari.

Subalit, hindi pa rin ginagarantiyahan ni Kotik ang kaagarang tagumpay tual ng anumang negosyo.

At dito, nagbibigay siya ng mga tip para maiwasan ang iskamer.

  • Ang franchisor ay kadalasa'y nagpapatakbo  “cart and kiosk”
  • Mababang-mababa lamang ang kailngang puhunan dahil ang biktima ay hidni na maghahabol dahil sa magastos na pag-dedemanda
  • Ang mga ipinangakong pagbalkik sa pamumuhunan ay masyadong mataas
  • Ang kontrata ng franchise ay para lamang sa isa o dalawang taon
  • Ang kontrata ng franchise ay masyadong maikli, kadalasa'y tatlo hanggang apat na pahina
  • Tiyakin na ang ari ng franchisor owns ang  product trademark.
  • Tiyakin na ang franchisor ay miyembro ng isa sa mga kinikilalang samahan ng industriya - Association of the Filipino Franchisers, Inc ( AFFI), Filipino International Franchise Association (FIFA) at Philippine Franchise Association (PFA)  

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand