Watch FIFA World Cup 2026™ LIVE, FREE and EXCLUSIVE

White House kinansela ang pagpupulong nina Obama-Duterte

site_197_Filipino_550749.JPG

Kinansela ng White House kanina ang nakatakdang pagpupulong nina Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos at Pangulo ng Pilipinas Rodrigo Duterte pagkatapos magpahayag ng mga personal na mura si Duterte kay Obama ilang oras bago Image: Duterte and Obama AAP/EPA/MADE NAGI/AP Photo/Carolyn Kaster


Ang dalawang lider ay nakatakdang magpulong ngayon sa Vientiane, Laos, na kung saan ang dalawa ay dadalo sa East Asian Summit

 

Bago pa man, sinabi ng mga opisyal ng White House na kaka-usapin ni Obama ang pangulo ng Pilipinas hinggil sa kanyang pagharap sa isyu ng ilegal na gamot, kasama ang tinatawag na extra judicial killings, o mas kilala ngayong sa tawag na EJK, o pamamaslang ng pamahalaan ng walang pagdinig sa batas

 

Subalit, iyon naman ay hindi ikinatuwa ng Pangulo ng Pilipinas, at binantaan na si Obama na pag-isip-isipan niya muna bago i-angat ang isyu.

 

"Hindi ako tuta ng mga Amerikano. Ako ay isang pangulo ng isang malayang bansa, at wala akong pinag-kakautangan kundi ang mga Pilipino."

 

Ang mensaheng ito ay naka-abot kay Pangulong Barack Obama, at ito ang kanyang ipinahayag

 

"Titiyakin ko na ang aking pagpupulong ay produktibo at mayroong kaming magagawa.

 

Sinabi ni Duterte dapat i-ugnay ang extra judicial killing kay Pangulong Obama, na malinaw na pagtukoy sa mga nagaganap na pamamaril sa Estados Unidos

 

 

Si Arnedo Valera ay isang Filipino-Amerikanong abugado ng migrasyon at lider ng komunidad Filipino-Amerikano.

 

Hindi siya sumang-ayon sa pahayag ng White House. s kanayng facebook, sinabi ni Valera, "walang dahilan para hindi maki-pagpulong si Obama sa Pangulo ng Pilipinas at talakayon ang ang mga prinsipyo at isyu na magpapatibay sa ugnayan ng Estados Unidos at Pilipinas.

 

Sinabi pa ni Valera, dapat na ipahayag ni Obama ang buong suporta sa alituntunin ni Duterte sa ilegal na gamot, at sabihin din sa kanya ang kanyang mga pag-aalinlangan

 

Ang tanaong ni Valera, "kung kaya niyang kausapin ang bigot na Donald Trump o matigas na ulong Putin ng rusya, mas may dahilan siyang kauspain si Pangulong Duterte na ang pangunahing misyon sa buhay ay pag-silbihan ang kanyang bansa at kanyang mga tao

 

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Obama may tamang legal na proseso sa pagsugpo sa ilegal na gamot na inaamin niyang isang mahirap na pangdaigdigang problema

 

 

Sa halip, si Obama ay makiki-pagpulong kay Pangulong Park Geun-hye ng South Korea.

 

 

 


Share

Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now