WHO: Patuloy ang pag-iimbestiga sa pinagmulan ng coronavirus

Statues in Wuhan

Statues along a street are seen with masks placed on them as a WHO mission visits Wuhan in central China's Hubei province on Tuesday, Feb. 9, 2021. Source: AP

Dumepensa ang World Health Organisation matapos lumabas ang draft ng ulat nito ukol sa kung ano ang pinag-mulan ng coronavirus. Ayon kay Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus bukas ang ahensya sa mga pag-aaral at pag-imbestiga.


Dumepensa ang World Health Organisation matapos lumabas ang draft ng ulat nito ukol sa kung  ano ang pinag-mulan ng coronavirus. Nakasaad kasi dito na ang virus ay posibleng nanggaling sa  paniki at nailipat sa ibang hayop hanggang nahawa ang  tao kaya imposible umanong  kumalat ang virus dahil sa may tagas ang isang laboratoryo.

Ang ulat na ito ay nakatakdang ilabas sana sa susunod na mga araw. Ayon kay WHO Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus teorya pa lang ang lahat  at bukas pa ito sa mga pag-aaral at pag-imbestiga.

"WHO has received the full mission report over the weekend. The report was sent under embargo, it is not public yet, to member states based on their request. All hypotheses are on the table and warrant complete and further studies, from what I have seen so far."

Samantala sa AmeriKa, ayon kay President Joe Biden 90 percent  ng mga nasa legal age ay inaasahang mababakunahan na sa susunod na dalawang linggo.

"My fellow Americans, look at what we have done in the past 10 weeks, no other country has come close, 100 million shots in less than 60 days. And now we're moving to the next one hundred million shots in just 40 days."

Pero kahit naging mabilis ang pagbibigay  ng bakuna,  dagdag ni President Biden wag maging kampante.

Kaya pinatawag niya ang lahat ng otoridad sa buong estado na  ibalik at gawing mandatory ang paggamit ng mask.

 "Please, this is not politics, reinstate the mandate if you let it down and businesses should require masks as well. The failure to take this virus seriously is precisely what got us into this mess in the first place, risk more cases and more deaths."

Sinabi  din ng mga dalubhasa sa America na  base sa kanilng ginawang  pag-aaral  parehong mabisa ang gamot na Pfizer at Moderna. Lumabas din sa  ginawang pag-aaral  mula sa  apat na libong US health care worker  na  bumaba sa 90 percent ang dalang  peligro ng virus matapos binigay ang pangalawang  doses sa mga ito.

Bagay na sinuportahan ni  US Center for Disease Control and Prevention  Director Rochelle Walensky, dahil ayon sa kanya pareho-pareho ang lumabas na resulta sa kanilang ginawang testing sa dawalang brand ng bakuna.

"We continue to get more and more real-world evidence on the protection COVID-19 vaccines provide. And CDC scientists have been working since these vaccines were first authorised to expand the evidence supporting their effectiveness.

Lumabas din  sa ginawang pag-aaral sa Israel na ang brand na Pfizer  vaccine ay 94 percent na epektibo.

Pero sa bansang Canada,  pansamantalang sinuspende ang paggamit  ng Oxford-Astrazeneca  COVID -19 vaccines  para sa  mga may edad 55 pababa, dahil na rin umano sa isyu ng blood clots. Ayon sa National Advisory Committee on Immunisations ginawa nila ang pansamantalang paghinto sa paggamit ng  gamot bilang precautionary measures.

Gusto din makakita muna ng mga otoridad  ng mas maraming data mula sa Europa bago nila  ituloy nila ang paggamit ng brand na Astrazeneca. Naniniwala kasi ang mga ito, na higit  na malaki ang benepisyo ng bakuna kaysa sinasabing dalang peligro nito. Ipinagpatuloy  naman ng ibang bansa na sakop ng European Union , ang pagbakuna gamit ang naturang brand.

Sa South America naman , nalagpasan na ng bansang Brazil  ang America sa bilang ng  mga namatay ng dahil sa COVID -19 sa buong mundo. Dahil dito , maraming restriksyon ang ipinatupad ng gobyerno, gaya ng 10 day lockdown bagay na binatikos ito ng mga taga-Rio di Janeiro

"This lockdown it's not fair. There are other ways for us to try to revert this situation, but closing everything is not fair because we can't provide for our family. We have to work, we need money, we need to keep our routine, it's not fair what's happening."

Pinaliwanag naman ni United Nations Secretary General Antonio Guterres,  na normal ang pinakitang reaksyon ng mga residente sa  bansa . Dahil ang mga mahihirap na bansa ay ang lubhang apektado ngayong panahon nga pandemya.

At ito rin ang mga bansang nahihirapang makabawi  matapos ang hinarap na krisis.

“Many developing countries face financing constraints that mean they cannot invest in recovery and resilience. Nor can they access the vaccines that provide the fastest route out of the pandemic. A global vaccination gap threatens everyone. In a global pandemic, we cannot separate economics and health. We are in danger of emerging from COVID-19 with a two-speed world.  If half of the world cannot access vaccines, there is a danger of successive waves of COVID-19 over the next few years.”

Sa bansang Spain, dahil sa  muling paglubo ng bilang ng impeksyon, binalak ng mga otoridad ang mga restriksyon kaya apektado ang paggunita  ng Easter.

Dagdag ng Head of Health Emergency  Coordination  Dr. Fernando Simon,   prioridad nila ang kaligtasan ng mga residente kaysa mga gagawing padiriwang. Pwede naman kasing magdiwang sa mismong mga tahanan lamang.

"I've already said that it will depend on how restrictions are implemented but also  how conscious we  are during this Holy Week (week before Easter).  Each week that goes by is a step closer to that good situation when we will be able to relax restrictions progressively. We just need to hang on a few weeks more. I think it is worth the effort."

Sa bansang France, halos umabot na ng 5000 katao ang nasa intensive care units  dahil sa COVID.  Kaya ang mga doktor, inabisuhang gamutin silang mga pasyenteng may mataas ang tsansang maka-recover.

Pero sa United Kingdom, biglang nakakita ng  pag-asa  ang mga residente matapos  niluwagan ni UK Prime Minister Boris Johnson ang ipinatupad na restriksyon. 

"Historically, at least there's been a time lag (with waves from Europe) and then we've had a wave ourselves. And that's why, you know, I just stress the importance of everybody maintaining the discipline that people have shown for so long and continuing with the cautious, but we hope irreversible, roadmap that we've set out."

Ayon kay Prime Minister Johnson, di naman nawala ang virus pero mas mababa ang bilang ng mga apektado ngayon kaysa noong nakaraang anim na buwan.

Para sa karagdagang  impormasyon ukol sa hakbang pangkalusugan kontra COVID-19 sa inyong wika, bisitahin ang website ng SBS.COM. AU/coronavirus.


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand