Sa populasyon na isang daang milyon, maraming makukuhang empleyado na may kasanayan, kung kaya't isang kompanya sa Australya ay pinili ang Pilipinas na pagmulan ng mga tinatawag nitong "virtual workers."
"It's a huge economic hub that is certainly growing, it has a huge talent pool with its 100 million population, skilled workforce with great work ethic," paglalarawan ng Country Manager ng Virtual Coworker na si Andrew Lewis kung bakit Pilipinas ang kanilang napiling bansa para sa kanilang mga virtual na empleyado.