Larawan: ginuhit ng isang artist ang balak na solar thermal power plant itatayo malapit sa Port Augusta, South Australia (AAP)
Nahahati ba ang Koalisyon bunga ng usapin ng enerhiya?
Naniniwala ang Punong Ministro Malcolm Turnbull hawak niya ang alas pagdating sa mga botante; ang pagtalakay sa presyo ng kuryente Ang kanyang misyon, mabilis na mabawasan ang halaga ng gastusin sa loob ng bahay ang nagbigay sa kanya ng dahilan upang maging mahigpit sa kanyang pakikipag-usap sa mga energy provider at magsagwa ng malalaking balak para sa bansa tulad ng pagpapabuti sa pasilidad ng Snowy Mountain hydroelectricity Ngunit maaring maantala ang mga balak ni Punong Ministro Turnbull, hindi dahil sa pagsisikap ng Partido Labor o Greens, ngunit mula sa sarili niyang backbench, partikular ang dating Punong Ministro Tony Abbott Ang usapin ng enerhiya ay nanatiling masalimuot na usapin sa Koalisyon at partikular para sa Punong Ministro Turnbull sa paglatag niya ng polisa sa sariling partido
Share



