Mga 'millennials' dapat na maging responsable na sa kanilang paggastos ngayon

Millennial saving

Millennial savings Source: Pixabay

“You cannot get the time back,” paalala ni Leo Montemayor sa mga milenyal na nahihirapan pa sa ngayong gumawa ng desisyon kung dapat na ba silang magtipid para sa kanilang kinabukasan.


Ang 'managing director' mula sa isang kompanyang pang-pinansyal na naka-base sa Queensland ay nagpahiwatig ng simpatya sa henerasyong lumaki sa 'tap and pay' na kapaligiran dahil bagama't pinapadali nito ang paraan ng pagbabayad, tinuruan naman nito ang maraming 'millennials' na gumastos, na naging hadlang para sila ay masanay na mag-ipon.

Kanyang sinuhestiyon na dapat silang lumikha ng ‘budget calculator’ sa ‘excel spreadsheet’ na magiging daan upang kanilang malaman ang kanilang paggastos; o maaari rin silang magbukas ng ‘savings account’ kung saan pitumpung porsiyento ng kanilang sahod ay maaaring maitago.

“If we look at it, let’s say for example a thousand dollars, they put 70 per cent away, [they still have] three hundred dollars in one week and that would be enough to live off.”

Ang pagsisimula ng kasanayan sa pagtitipid ay mahirap. Ngunit ibinahagi ni Leo ang simpleng paraan na maaaring sundin ng mga milenyal; siya ay nagwi-‘withdraw’ ng pera na nagkakahalagang dalawang daang dolyar at kanya itong ipinapalit sa tigsa-sampung dolyar na salapi. Kapag inilalabas niya ang sampung dolyar na ito para bumili, nakikita niya kung ang kanyang paggastos ba ay mabilis.

Isa pang payo na kanyang ibinigay ay isipin ng dalawang beses kung bibilhin ba ang produkto sa pamamagitan ng pagtatanong sa sarili kung gusto o kailangan mo ba ito.
Millennial saving
Millennial savings Source: Pixabay
Ang ‘credit cards’ ay hindi sinang-ayunan ni Leo. Para sa kanya, ang natatanging mabuting pangunguntang na dapat gawin ng mga milenyal ay iyong sa mga ‘brick and mortar’ – pamumuhunan sa propyedad o sa pinakauna nilang tahanan – dahil ito ay may halaga.

“If you don’t take charge of your finance while you’re young, you’re not gonna ever get financial freedom,” pagbibigay-babala ng pampinansyal na tagapayo sa mga milenyal na gumagamit ng ‘credit cards,’ kotse at personal na mga utang

Ipinaliwanag ni Leo ang ‘financial freedon’ bilang panahon kung saan ang isang tao ay maaaring gumastos kung kailan niya naisin. Ito ay tungkol sa tamang paggastos, pagtitipid at pamumuhunan mula sa batang edad hanggang sa susunod na sampu hanggang labinglimang taon, para sila ay dalhin sa pampinansyal na seguridad kung saan ang ‘cash flows’ ay nanggagaling sa kanilang mga pinamuhunan o mga negosyo.

“When you have cash flow coming in that’s not just from your work but other means like businesses or investments, you now have free time – and when you have free time, that’s financial freedom.”

Pink Piggy bank money concept on dark blue background
Pink Piggy bank money concept on dark blue background, stuffed with Australian cash. Source: Getty Images


Ayon kay Leo, mahalaga na ang milenyal ay magtipid na sa ngayon para sa kanilang hinaharap dahil hindi nila kayang maibalik ang nasayang na oras. Sa kasalukuyan, pabor sa kanila ang lahat, sila ay nasa maayos na kondisyon, malusog at may enerhiya sa trabaho at pamumuhunan sa mga bagay na ‘tangible’. Nagsabi siya, “If you waste 10 to 15 years of your life and you get to the age of 35 or 40 and you haven’t had the discipline at a young age, you cannot get the time back; you are now then running around trying to catch up in time because you didn’t have good financial sense when you’re young, that’s why it is most important, you cannot bring back time.”

 


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand