Hindi pa nakakauwi sa inuupahang bahay sa Lismore, New South Wales si Juan Carlos Ilejay at asawa nitong si Maribel matapos mabaha isang buwan na ang nakakalipas.
Patuloy ang banta ng mga pag-ulan at pagbaha, sarado ang mga kalsada, walang paraan makapunta sa bahay at wala pa ding kuryente sa kanilang tirahan.
Pakinggan ang audio:
Highlights
- Prayoridad ni Juan Carlos na makalipat ng inuupahan sa mas mataas na lugar ngunit mahirap makahanap dahil sa taas ng demand at presyo.
- Malaki naman ang pasalamat nila sa gobyerno at komunidad sa mga tulong na natatanggap gayundin ang kanilang employer kung saan sila pansamantalang naninirahan.
- Buhay din ang ispirito ng bayanihan dahil sa pagtulong ng ilang Filipino community groups sa mga biktima na walang paraang makatanggap ng ayuda sa gobyerno.
Nakuhanan ng video ni Juan Carlos ang pagbaha sa kanilang lugar noong ika-28 ng Pebrero at inupload sa kanyang Youtube Channel kung saan pinasalamatan niya ang mga nag-rescue mula sa NSW State Emergency Services.