Ang makinig at pakinggan ang sinasabi ng iba, ito ang pinakamahalagang bagay na natutunan ni Anya Lim sa kanyang pag-aaral sa Australya.
Bago nagsimula ang kanilang partnership, ipinaalam na ng mga kababaihan sa komunidad na ‘bago kami mag-hahabi, Nanay po muna kami’ at sa pagsa-alalang alang ng saloobing ito nabuo ang matatag at lumalagong komunidad ng mga naghahabi sa ibat-ibang lugar sa Pilipinas.
Bunga nito, nabuo din ang mga oportunidad para sa mga kababaihang maging entrepreneur, guro at pinaka mahalaga sa lahat ang oportunidad na maibahagi ang mahalagang tradisyon ng paghabi sa susunod na salin lahi.




