At sa pagdiriwang sa taong ito ng International Women's Day, kada ika-walo ng Marso, pinangungunahan ng UN Women National Committee Australia sa mga kaganapang lokal upang palakasin ang mga kababaihan.
Ibinahagi ni Janelle Weissman, Executive Director ng UN Women Australia, ang mga paraan upang mabuksan ang mga oportunidad para sa mga kababaihan upang maging mga pinuno, at matiyak na may landas para sa matatag at disenteng mga trabaho kung saan maaari silang mamuno, matuto at kumita.
Para sa ibang detalye sa mga pagdiriwang ng araw ng mga kababaihan, magtungo sa: http://unwomen.org.au.