Binibilang kada limang taon ang mga naninirahan dito sa Australia sa ginagawang national Census of Population and Housing.
Ayon kay Chris Libreri ang General Manager ng Census Division sa Australian Bureau of Statistics, kasama sa gagawing census ang 60 tanong na dapat sagutin ng mga taong nandito sa bansa.
“Tinatanong ang mga respondents, sa age, sex, marital status. Hindi kasama sa tanong ang gender o kasarian sa Australian Census.
Highlights
- Ayon kay Census GM Chris Libreri, ang Census 2021 ay gawa sa state-of-art na sistema na hango sa pinaka-mataas na standard.
- Nakipag-ugnay ang ABS sa mga industriya gaya ng PwC at Amazon Web Services para itayo ang nasabing bagong census system, kasama sa napagkasunduan ng mga ito na lahat ng datos ay itabi lang sa server dito sa bansa.
- Sa ilalim ng Census and Statistics Act 1905, lahat ng naninirahan dito sa Australia dapat kompletuhin ang pagsagot ng census, sinumang lalabag ay pagmumultahin ng malaking halaga.
"Kasama din sa tanong kung nagtatrabaho o hindi at merong mga tanong tungkol sa kultura at kung anong wika ang ginagamit sa loob ng bahay, kelan ang kaarawan at kung saang bansa nagmula ang mga magulang," paliwanag ni Libreri.
Bakit kailangan sagutin ang mga tanong sa census?
Ang makukuhang population data ay mahalaga, kung saan magiging basihan ng gobyerno sa kanilang susunod na hakbang at plano para sa transport, eskwelahan, healthcare, infrastructure at maraming pang iba.
"Ang mga desisyon ng gobyerno dito sa Australia ay nakabatay sa mga data ng ABS, yong census data, ganun kahalaga ang census," dagdag pa ni Libreri.
Sabi din ni Jamie Newman, ang CEO ng Orange Aboriginal Medical Service, mahalaga ang data sa census upang malaman kung anong mga serbisyo ang dapat prioridad sa komunidad sa Central West.
Sa pamamagitang ng data sa census, magiging tama ang gagawing services at healthcare programs, welllbeing centres para sa mga may sakit o kakaibang sakit sa bawat komunidad dito sa Australia.
Pagbibigay ng personal na impormasyon

Some people are reluctant to share their personal information and that's understandable. In a census they will make sure that the information rendered is safe. Source: Credit: Getty Images//gremlin
Para mapangalagaan kontra cyberattacks ang data, gumawa ng bagong sistema ang Australian National Audit Office.
“Para maging protektado ang mga datos ng bawat nandito sa Australia nakipag-ugnay kami sa Australian security agencies, ito yong kilalang Cyber Security Centre sa lahat ng hakbang na ginawa at hango ang sistema sa pinakamataas na standard sa buong mundo," sabi pa ni Libreri.
Dagdag pa nito tama lang ang ginawa ng ABS na shutdown sa census site noong Agosto 2016, para maitama ang data ng mga respondents, batay sa ginawang Senate inquiry.
“Kailangan kasing mag-match ang pangalan at address ng mga respondents dito sa Australia kaya tama lang na itinabi namin ang mga impormasyong ito at kailangang poroteksyonan. Ito yong lumabas na resulta sa Senate inquiry sa census."
Saan gagamitin ang pribadong impormasyon na ibinigay mo?
Sabi pa nito, ang data gathering ng ABS sa pangalan at tirahan ng mga respondents ay ginamit para maitama ang data sa record ng gobyerno, maliban sa pribadong datos ng mga ito.
“Kapag nakuha na ang datos, encrypted na ito at ang may alam lang kung ano ang mga impormasyong ito ay ang taga- ABS, nasa batas din na bawal isiwalat ang personal na impormasyon at alam ito ng ABS dahil 110 na taon na nila itong ginagawa."
Paano ko sasagutan ang census form?
Ang census ay matatapos sa loob ng isang araw, pero sa bagong sistema, pwedeng sagutin ng mga respondents ito sa sandaling matanggap na nila ang instructions, sa unang linggo ng buwan ng Agosto.
- Ang bawat respondent ay makakatanggap ng census number at temporary password kasama ang instruction kung paano ito sagutin.
- Pwede ding gawin ito online o sa pamamagitan ng paper form.
- Lahat ng mga andito sa Australia ay makiisa o sumagot sa census kahit ano pa ang estado ng visa maliban na lang sa mga foreign diplomats at kanilang pamilya.
Kasama ba sa census ang mga naka-temporary visa?
“Kahit anong status ng visa basta nandito sa Australia noong gabing ginanap ang Census 2021, dapat lumahok sagutin census form. Dadalhin ito sa lahat ng sulok sa bansa, sa barko man, eroplano pati naka-quarantine ngayong panahon kasali sila na makilahok at sagutin ang census form."
“Ang Census dito sa Australia ay kagaya ng eleksyon lahat ay obligadong makilahok. Sa 25 milyong populasyon dito, kulang-kulang isang daan ang lumabag kaya nasampahan sa korte, at ang multa pinakamababa ang $1000 ang korte na ang nagpapataw, pero kung may tamang rason kung bakit nakaligtaan ang pagsagot sa census, korte na din ang magbigay ng konsiderasyon."
Bakit mahalaga ang Census?

Policymakers use the census data to decide how to allocate taxpayers’ dollars for critical public services Source: Getty Images/SolStock
Maliban sa resultang pagkakaroon ng malalaking imprastraktura na proyekto mula sa gobyerno, ang datos ng census ay makakatulong para matugunan ang pangunahing pangangailangan ng komunidad.
Sabi pa ni Jamie Newman mula sa Orange Aboriginal Medical Service , ito ang magiging boses ng komunidad sa gobyerno.
“Kung maglalabas ng pondo ang gobyerno, basihan nito ang populasyon at ang datos galing sa census, sa gayun, ay magiging pantay ang pagbibigay ng ayuda o proyekto sa mga komunidad, estado o territoryo. Dito sa Ausralia, ang census at eleksyon ang paraan lang kung para marinig ang boses ng bawat Australians."
Kaya panawagan ni Newman sa Indigenous people at migrante dito sa bansa , para marinig ang boses ng lahat, makiisa sa nalalapit na Census .
“Ang paglahok sa census o pakikiisa sa pagboto sa panahon ng eleksyon ay mahalagang hakbang ng bawat isa para sa mas magandang bukas ng mga Australians."
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa census sa inyong wika, bisitahin ang 2021 Census website.