Ang Senador ay binatikos sa pahayagang Daily Telegrah ng Sydney sa patuloy na pagbigo sa pagkilos ng pamahalaang Turnbull na ipasa ang kontrobersyal na panukala sa pagtitipid.
Sinisikap pa ring pilitin ng mga ministro ng Pamahalaan si Senador Xenophon at mga iba pa sa crossbench ng Senado na suportahan ang pagbabawas ng pondo na aabot sa ilang bilyong dolyar sa mga panukala at malalaking reporma sa mga subsidy sa childcare, na ngayon ay nai-uugnay sa pag-pondo para sa NDIS.