Mga kabataang Filipino-Australians isinulong ang kulturang Pilipino sa isinagawang camping

Young Filipino-Australians went camping to Kamp Hiraya to promote Filipino culture.

A number of young Filipino-Australians went to Kamp Hiraya in NSW for camping to promote Filipino culture and build good camaraderie among themselves. Source: Lou Irish Gonzales

Nagtipon-tipon ang mga estudyante at mga batang propesyonal para ibalik ang diwa ng kulturang Pilipino sa Australia. Ibang mga kalahok unang pagkakataon na makatikim ng pagkaing Pinoy.


Pakinggan ang audio

Matapos ang tatlong araw na  Kamp Hiraya  o pagcamping sa Blue Mountains sa New South Wales nitong Hulyo 2022. 

Masayang ipinahayag ng civil engineering student mula University of Newcastle na si Kissel  Guillar na bumalik ang diwa ng kanyang pagka-Pilipino.

Ayon sa dalaga matapos lumipat dito sa Australia, apat na taon na ang nakaraan nangungulila ito, lalo't lahat ng kanyang nakakahalubilo ay mga purong Australians.


Highlights

  • Layunin ng Kamp Hiraya na buhayin muli ang kulturang Pilipino sa mga kabataang Pilipino sa bansa, para hindi makalimutan ang pinagmulan.
  • Dinaluhan ito ng mga Filipino-Australians na batang propesyonal at estudyante mula sa iba't-ibang unibersidad sa buong NSW
  • Inaasahang sa susunod na taon mga Filipino-Australian sa buong bansa na ang dadalo sa camping

Kissel Guillar at mga kasamahan na dumalo sa Kamp Hiraya sa NSW.
Kissel Guillar at mga kasamahan na dumalo sa Kamp Hiraya sa NSW Source: kissel Guillar
" When I first came to Australia tinapos ko ang year 11 at 12  lahat ng kasama ko Australians mabuti naman sila kaso iba ang kultura, pakiramdam ko hindi ako bagay dun pero matapos ang camping ramdam ko ang pagka-Pilipino."

Lumaki si Kissel sa Maynila  pero bago napunta sa Australia lumipat ang pamilya sa Bohol, kaya nangungulila ito sa kanyang nakagisnang buhay sa Pilipinas.

" Sarap ang pakiramdam na lahat kayo nagsasalita ng Tagalog, nawala yong pangungulila ko."

Dagdag ng dalaga na-enjoy nya ng husto ang bonding ng mga tulad nyang kabataan na na-miss ang kulturang Pilipino, kaya napakahalaga ang ginawang pagtitipon.

"Nagustuhan ko ang bonding ng bawat isa, habang kumakain may mga nag-share ng kanilang buhay. Sa paraang iyon nakilala namin ang isa't-isa.

Kaya ngayon mas na-appreciate ko ang pagiging Filipino, gusto ko din ang pagpapakita ng magandang kaugalian nating mga Pilipino."

Kasamang dumalo sa Kamp Hiraya ang nakakatandang kapatid na lalaki ni Kissel.

"Ang experience na ito ay life-changing  hindi lang puro fun kung hindi fulfilling dahil natutunan yong magandang kaugalian bilang Filipino ay naipakita ng bawat isa, at maaari itong ipakita sa buong mundo, nakaka-proud."

Nag-enjoy din ang mga dumalo sa mga pagkain Pinoy na inihain sa kanila.

"Sabi nga ay amoy kanin! Tapos may  ginataan at  manok kaya lahat pumila para sa rice at sa masarap na ulam na talagang  pagkaig Pinoy."
Louie Tanaka at kasamahan sa Kamp Hiraya sa Blue Mountains,NSW nitong Hulyo 2022.
Louie Tanaka at kasamahan sa Kamp Hiraya sa Blue Mountains, NSW nitong Hulyo 2022. Source: Louie Tanaka
Samantala, nadagdagan ang mga kaibigan ni Engineer Louie Tanaka dahil sa camping. 

Si Louie ay nagtapos sa UP Diliman at nitong Abril 2022 lang dumating sa Australia para magtrabaho bilang Operational  Engineer for e-tolling system dito sa bansa.

"Sobrang saya, halos laht ng katrabaho ko ay hindi Pilipino, maliban sa aking housemates minsan lang ako nakakapagsalita ng Tagalog. At ngayon dito sa camp sobrang feel at home ako at talagang na-appreciate ko ang pagiging Pilipino."

" Realisation ko kahit dito ka ipinanganak o napunta dito dapat may koneksyon pa rin sa pagka-Pilipino, "dagdag kwento ng binata.

Saad ni Louie maliban sa nabuoang pagkakaibigan, marami din syang natutunan mula sa mga inimbitahang Filipino-Australian speakers, na magagamit nya sa kanyang pagtatrabaho lalo na sa pakikipag-kapwa.

"Kahit saan pa man hindi talaga mawawala ang pagka-underdog pero sabi nung speakers magsipag lang at huwag matakot na magsalita dahil pantay-patay ang karapatan dito."

Si Louie ang ginawaran ng grupo ng  Pinakabibo Award.  Plano din nito na kapag bibigyan ng pagkakataon tutulong syang magplano para sa susunod na youth camp dahil hangad nya na maibahagi din ang kanyang kakayahan, para ipalaganap ang kulturang Pilipino.
Mga kabataang nag-organisa ng Kamp Hiraya 2022 sa Blue Mountains, NSW.
Mga kabataang nag-organisa ng Kamp Hiraya 2022 sa Blue Mountains, NSW. Source: Lou Irish Gonzales
Dahil sa positibong tugon ng mga dumalo, ayon sa isa sa mga nag-organisa ng Kamp Hiraya na si Lou Irish Gonzales, magiging unang hakbang ito patungo sa kanilang mga pangarap na maraming mga kabataang Pilipino ang mabuhay muli ang kanilang koneksyon sa kanilang kultura.

" Ang gusto talaga namin ay magkaroon ng koneksyon ang mga kabataan sa ating kultura dahil aaminin man natin o hindi na-impluwensya na ng ibang lahi ang karamihan sa mga kabataang Pilipino."

Dagdag nito kailangan na maibahagi ang kulturang Pilipino sa mga mas nakababatang henerasyon, bago pa tuluyang mawala ito. Kaya dinaan nila ito sa team building at iba pang aktibidad sa loob ng tatlong araw.
Mga kabataang Filipino-Australians dumalo sa ginawang Kamp Hiraya 2022 sa Blue Mountains, NSW
Mga kabataang Filipino-Australians dumalo sa ginawang Kamp Hiraya 2022 sa Blue Mountains, NSW Source: Lou Irish Gonzales
Sulit naman ang ginawa nilang mga aktibidad dahil ang mag partisipante ay hindi lang nag- enjoy kung hindi naranasan ang kulturang Pinoy.

"Maraming mga activities ang ginawa may team building, amazing race at marami pang iba.  Ang amazing race ay hango sa tema ng barangay at may mga kabataan na unang nakatikum ng balut. Masaya ang lahat dahil naranasan din nila ang larong Pinoy na seguradong na-miss nila dahil hindi pa sila nakakauwi sa Pilipinas."
Mga kabataang dumalo sa Kamp Hiraya 2022 na ginanap sa  Blue Mountains, Australia.
Mga kabataang dumalo sa Kamp Hiraya 2022 na ginanap sa Blue Mountains, Australia Source: Lou Irish Gonzales
May pahabol naman itong payo sa mga tulad nyang kabataang Pinoy dito sa Australia.

"As you adopt to Australian culture don’t forget your roots because it's beautiful, maaaring makibagay sa kultura ng ibang lahi subalit maaari din itong ibahagi sa kanila para mas makilala ang tunay na kulturang iyong pinagmulan."

Ang pagtitipong ito ay dinaluhan ng mga aktibong myembro at lider ng Filipino society sa lahat ng mga unibersidad sa buong estado ng New South Wales.

At nitong taong 2022 tema ng pagtitipon ang “Kamp Hiraya, Kwento Natin 'To, exploring the Filipino-Australian experience.”


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Mga kabataang Filipino-Australians isinulong ang kulturang Pilipino sa isinagawang camping | SBS Filipino