May iba’t-ibang paraan ng pagkuha ng digital certificate, depende sa iyong sitwasyon.
Kung ikaw ay nasa edad 14 pataas, kakailanganing i-download ang digital certificate o immunisation history sa pamamagitan ng:
Kapag nakakuha na ng dalawang dose ng bakuna, maaari mo ding ilagay sa digital wallet ang mada-dadownload na COVID-19 digital certificate.
Service NSW app at Service Victoria App
Kapag na-download mo na ang COVID-19 digital certificate mo, pwede mo na ito i-share sa mga Service Apps. Siguruhing na-download mo na ang bagong bersyon ng Service NSW app o Service Victoria app sa inyong mobile phone.
I-share ang iyong COVID-19 digital certificate sa Service NSW app o Service Victoria app sa pamamagitan ng mga ito:
Medicare online account
- Pumunta sa MyGov website at mag sign in sa inyong account
- I-click ang Medicare
- I-click ang View proof sa Proof of vaccinations
- I-click ang View history at ang iyong pangalan
- I-click ang Share with check in app
- I-click ang Service NSW at sundan ang mga prompts
Express Plus Medicare mobile app
- Mag log-in sa Express Plus Medicare app
- I-click ang Proof of vaccinations sa Services
- I-click ang View history
- I-click ang iyong panagalan at ang View COVID-19 digital certificate
- I-click ang Share with check in app
- I-click ang Service NSW at sundan ang mga prompts
Paano kung wala kang Medicare
Para sa walang Medicare, kakailanganin ang Individual Healthcare Identifier (IHI) para makakuha ng certificate online. Pumunta lamang sa myGov para makuha ang inyong IHI gamit ang Individual Healthcare Identifier service.
Step 1
Alamin kung meron ka nang IHI. Karaniwang meron nito ang sinumang may Medicare card, DVA card, at kung ikay ay naka-enroll na sa Medicare.
Pwede ding makakuha ng patunay gamit ang
Kung wala ka pang IHI, gamitin ang IHI service sa myGov para makakuha nito at ma-ilink ito sa inyong myGov account
- I-click ang Services o I-link ang unang serbisyo.
- Piliin ang Individual Healthcare Identifiers service, at sundin ang mga instructions sa inyong screen.
Hindi kakailanganin ng IHI para makakuha ng bakuna. Kakailanganin lang ito para makapagpakita ka ng pruweba na ikaw ay bakunado na.
Paano kung wala kang smartphone
Kung nahihirapan ka kumuha ng katunayan o certificate online, pwede mong hingin ang immunisation history statement mo.
Pwede ka din tumawag sa Australian Immunisation Register para mapadalahan ka ng kopya ng iyong immunisation history statement o COVID-19 digital certificate. Maaaring abutin ng hanggang 14 na araw bago mo ito makuha.
My Health Record
Pwede ka din makakuha ng katanuyan na ikaw ay bakunado gamit ang My Health Record, Kung hindi ka pa nakagamit ng My Health Record, kailangan mo I-link ito sa iyong myGov account. Pumunta sa Australian Digital Health Agency website para makuha ang katanuyan na ikaw ay bakunado gamit ang My Health Record