Maaaring maging mahirap para sa mga bagong migrante na maunawaan ang mga kinakailangan ng lugar trabaho sa Australia. Marami ang dumarating sa Australia na may dala ng resume, o buod ng kanilang kasanayan at kakayahan ngunit ito ay maaaring hindi angkop sa mga lokal na pamantayan. Mula sa SBS Settlement Guide, narito ang ilang tip upang makapagsimula.
Ang pagkakaroon ng tamang buod ng iyong mga kasanayan, kakayahan at mga nagawa ay isang mahalagang bahagi ng iyong paghahanap ng trabaho.
Narito ang ilang gabay upang makapagsimula:
Panatilihing maikli at nasa punto
Minsan ang mas kaunti ay mas maraming nilalaman! Kapag gumagawa ng iyong resume, ilagay sa unahan ang pinakamahalagang impormasyon at palaging iayon sa partikular na trabaho na iyong ina-aplayan. Kahit na matapos makapasok sa trabaho, ipinapayo na panatilihing kumpleto at napapahon ang iyong resume.

Filling-up an application (Pixabay) Source: Pixabay
Ilista ang iyong mga napagtagumpayan
Mahalaga na ihaylayt at ipaliwanag ang iyong mga nagawa sa iyong mga nakaraang tungkulin. Makakatulong ito na sumalamin sa iyong mga personal na katangian sa halip na isunod lamang sa pamantayang paglalarawan ng iyong mga nakaraang trabaho.
Gumamit ng mga positibong salita
Huwag kailanman gagamit ng mga negativong pagtukoy sa iyong resume o huwag tukuyin ang iyong dating pinagtrabahuhan sa isang negatibong paraan. Halimbawa, "Ang aking manager ang pinaka hindi patas na tao, kaya ako umalis sa trabaho."

Application (Pixabay) Source: Pixabay
Alamin kung paano iakma ang iyong resume para sa partikular na posisyon o tungkulin
Ang diskarte na "isang sukat ay akma sa lahat (one size fits all)" ay hindi gumagana pagdating sa paggawa ng resume. Maaari kang gumamit ng mga pangunahing salita at parirala mula sa anunsyo ng trabaho na makakatulong upang makuha ang atensyon ng employer.
Maghanda ng isang angkop na pang-ibabaw na liham (cover letter)
Image
Ang isang malakas na cover letter ay isang pagkakataon upang ipakita ang iyong pagbibigay-halaga sa mga detalye. Kung naaangkop, hanapin o alamin ang pangalan at posisyon ng tao na dapat mong pagtugunan. Kapag nakumpleto mo na ang iyong cover letter at aplikasyon, palaging surin ang mga mali sa gramatika at letra. Mabuti na magkaroon ng ibang titingin sa iyong ginawa, kaya ipakita o hilingin sa isang kaibigan na tignang muli ang iyong ginawa bago ito ipasa.
Mga mapagkukunan na libreng makakatulong sa iyo
Mula sa Gobyerno:
Ang website ng Pamahalaang Australya na 'Jobactive' ay nagbibigay ng impormasyon at mga bideyo kung paano makakakuha ng tulong para sa iyong resume at paghahanap ng trabaho.

(Job Active) Source: Job Active
Komunidad:
Maaari mo ding bisitahin ang iyong Community Migrant Resource Centre isa iyong estado o teritoryo, kung saan kanilang pinamamahalaan ang Employment Ready Workshops na tumutulong sa mga bagong dating upang maunawaan ang mga kinakailangan sa mga lugar trabaho sa Australia. Ang mga libreng workshop na ito ay magtuturo sa inyo ng mga kasanayan sa panayam, pagsusulat ng resume, mga istratehiya kung paano epektibong mag-aplay para sa mga trabaho.
Online:
Maaaring makakita ng libreng professional resume writing services sa online.
Mayroon ding hindi mabilang na mga libreng template o halimba ng resume at cover letter na makikita sa kabuuan ng world wide web. Narito ang ilan lamang sa mga site uppang makapagsimula:

Source: Pixabay
Mga dagdag na impormasyon mula sa Jobactive kung paano makakakuha ng tulong sa iyong resume at makahanap ng trabaho sa bideyo na ito: