Ang isang malusog na pamumuhay ay makakabawas sa tsansa ng pagkakaroon ng atake sa puso , ngunit , kapag ito ay nangyari kailangang tandaan ang ilang palatandaan at kumilos nang mabilis.
Ano ang mangyayari kapag ang isang tao ay inatake sa puso?

Source: Pixabay
Iminumungkahi din na magpatala at magpasuri sa isang doktor para sa kalusugan ng inyong puso upang suriin ang inyong panganib, lalo kung ang inyong pamilya ay may kasaysayan ng atake sa puso.
Ano ang ilang kadahilanan ng panganib?
Mataas na altapresyon
Kapag ang inyong blood pressure o presyon ng inyong dugo ay mataas ang inyong puso at mga arterya ay nagiging sobra ang laman. Ngunit ito ay maaaring magamot, kaya regular na magpatingin sa doktor upang suriin ang presyon ng inyong dugo.

Source: Anthony Devlin/PA Wire
Mataas na kolesterol
Subukang iwasan ang labis na kolesterol sa inyong pagkain. Ang hindi balanseng kolesterol sa inyong dugo ay maaaring humantong sa atake sa puso o stroke.
Hindi malusog na diyeta at dyabetis
Vegetables and fruits Source: GettyImages/fcafotodigital
Ang Diabetes Australia ay nagbibigay din ng rekomendasyon sa kung paano mapapamahalaan ang inyong dyabetis upang makatulong na maiwasan ang atake sa puso.
Kakulangan sa pisikal na gawain
Ang pagiging hindi-aktibo at pag-ubo ng mahabang oras ay hindi mabuti para sa kalusugan ng ating puso. Iminumungkahi ng mga propesyonal sa kalusugan na mag-ehersisyo ng 30 minuto araw-araw. Ang paglalakad ay isang magandang paraan upang panimula!

Health is a must if you are into a road trip by motorhome Source: AAP
Paninigarilyo
Mas mataas ang panganib na magkaroon ng atake sa puso kung kayo ay naninigarilyo. Ang hindi paninigarilyo ay isa sa pinakamahusay na paraan upang pangalagaan ang inyong puso. At kapag kayo ay tumigil sa paninigarilyo, higit na mababawasan ang panganib.

Source: AAP
Isolasyon at depresyon
Ang mga taong walang suporta ng ibang tao, pamilya o mga kaibigan ay maaaring nasa higit na panganib ng problema sa puso. Ang depresyon o labis na kalungkutan ay isang pang kadahilanan. Iminumungkahi ng Beyond Blue na kapag kayo ay nalulungkot nang mahigit dalawang linggo na, makipag-usap sa inyong doktor, miyembro ng pamilya o sinuman na lubos niyong kakilala.
Ilang dahilan ng panganib na hindi maaaring baguhin
Binalangkas ng Heart Foundation ang ilan sa dahilan ng panganib na wala tayong kontrol, tulad ng edad, kasaysayan ng pamilya o etnikong pinagmulan. Para sa ilang tao mula sa sub-kontinenteng Indian, sila ay mas higit na nasa panganib ng pagkakaroon ng atake sa puso kumpara sa iba.
Ano ang ilang sintomas?
Nakakaranas ng kahirapan sa paghinga at pananakit ng dibdib
Habang magkakaiba ang palatandaan para sa bawat isang tao, ang unang palatandaan na dapat tignan ay ang pananakit ng dibdib. Maaaring makaranas ng biglang paninikip sa palibot ng inyong dibdib
“Kapag malubhang atake sa puso, matindi ang mararamdamang pananakit sa dibdibat hindi tumitigil. Ito ay madalas na mararamdaman sa kaliwang bahagi ng dibdib, ngunit ito ay maaaring medyo nasa sentro. Ang pananakit ay aabot hanggang sa bandang panga at baba ng kaliwang braso," ayon sa cardiologist mula Heart of Australia Rob Perel.
Nakakaranas ng kahirapan sa pakiramdam sa inyong braso, leeg at likuran
Maaaring kumalat ang kahirapan sa pakiramdam sa ibang bahagi ng bandang taas ng katawan. Tila mabigat ang pakiramdam sa inyong braso o hindi ito maikilos.
Nakakaramdam ng pagkakapos sa paghinga
Maaaring makaranas ng pagkakapos sa paghinga. Kasama sa ibang sintomas ang tila parang nabubulunan, nasusuka, malamig na pawis at nahihilo.
Ano ang dapat gawin?

Source: AAP
Ang unang bagay na dapat gawin kapag kayo ay inaatake sa puso ay tumawag sa triple zero (000) para sa isang ambulansya. “Ang opisyal ng ambulansya ay magbibigay sa inyo ng Aspirin kapag sila ay dumating. Dapat kayong maupo at magpahinga at iwasan ang labis na stress sa inyong puso hanggang sa dumating ang tulong sa inyo upang tasahin o higit pa kayong suriin at gamutin," ayon sa cardiologist ng Heart Australia Rob Perel.
Share
