Watch FIFA World Cup 2026™ LIVE, FREE and EXCLUSIVE

Sunog sa Greece: Mga residente lumikas sa dagat sa takot na maabutan ng apoy mula sa wildfire

Maraming lokal na residente at mga nagbabakasyon ang lumikas sa dagat sa takot na maabutan ng sunog, kung saan ito ay inilarawan bilang isang 'national tragedy.'

Firefighters and volunteers try to extinguish flames during a wildfire at the village of Kineta, near Athens, on July 24, 2018

Firefighters and volunteers try to extinguish flames during a wildfire at the village of Kineta, near Athens, on July 24, 2018. Source: Getty

Hinalughog ng mga rescue workers sa Greece ang mga bahay at mga nasunog na sasakyan noong Miyerkules, habang ang bilang ng mga namatay sa isa sa sinasabing 'worst wildfires of the century' ay inaasahang tumaas sa 80. 187 katao ang nailulat na nasaktan. 

Marami sa mga lokal na residente ang mga nagbabakasyon ang lumikas sa dagat upang maiwasan ang sunog at dali-dali silang nagpunta sa kalapit na bayan sa Athens kasabay ng malakas na hampas ng hangin na umabot sa 100 kph. 

Inihayag ng Greek media na ang nangyaring kalamidad ay isang "national tragedy", habang ang Punong Ministro na si Alexis Tsipras ay bamalik galing Bosnia at inanunsyo ang tatlong araw na pagdadalamahati sa buong bansa

Firefighters and volunteers try to extinguish flames during a wildfire at the village of Kineta, near Athens, on July 24, 2018
Firefighters and volunteers try to extinguish flames during a wildfire at the village of Kineta, near Athens, on July 24, 2018. Source: Getty
Raging wildfires killed dozens including small children in Greece, devouring homes and forests as terrified residents fled to the sea to escape the flames.
Raging wildfires killed dozens including small children in Greece, devouring homes and forests as terrified residents fled to the sea to escape the flames. Source: Getty

Hindi pa nagsasabi ang gobyerno kung gaano karami pa ang nawawala dahil sa sunog, na nagsimula noong Lunes, habang ang ang mga bumbero ay patuloy na pinapatay ang apoy sa ilang mga lugar. 

Ang mga natatakot na residente at mga turista ay naabutan ng sunog sa kanilang mga tahanan at sa kanilang mga sasakyan. Nakita ng mga photographer ng AFP ang mga nasunog na katawan ng mga tao at aso.

Ang mga nasunog na katawan ng 26 katao, kabilang ang mga maliliit na bata, ay natuklasan sa isang villa sa isang seaside resort sa Mati, 40 kilometro (25 milya) hilagang-silangan ng Athens, sabi ng mga rescuers. 

Nagkumpol ang mga tao sa maliliit na grupo, "perhaps families, friends or strangers, entwined in a last attempt to protect themselves as they tried to reach the sea", sabi ng rescuer na si Vassilis Andriopoulos.

"Mati no longer exists," sabi ng mayor ng kalipat na bayan na Rafina na si  Evangelos Bournous at sinabing mahigit sa isang libong gusali at 300 kotse ang nasira. 

Noong Miyerkules, nagkaroon ng banta ng sunog na malapit sa baybayin ng Kineta, 25 kilometro kanluran ng Athens. 

Dose-dosenang mga bumbero ang tumulong na maapula ang apoy, sa tulong ng mga helicopter at mga eroplano na nagbuhos ng libu-libong galon ng tubig. 

Sinabi ng isang fire service official na ang paghahanap sa mga nawawala mula sa sunog ay magpapatuloy sa Miyerkules, bagaman wala pang opisyal na bilang sa kasalukuyan. 

Ang bilang ng mga namatay ay tiyak na malalampasan halos ang 77 katao na namatay sa sunog na nanalasa sa katimugang isla ng Evia noong 2007.

Burnt cars are seen following a wildfire at the village of Mati near Athens, Greece on July 24, 2018.
Burnt cars are seen following a wildfire at the village of Mati near Athens, Greece on July 24, 2018. Source: Getty

'People have lost everything'

May 187 katao ang naospital, 82 sa kanila ang  ang ginagamot noong Martes ng gabi, kabilang ang halos isang dosenang bata, na karamihan sa kanila ay nasa "serious condition", ayon sa fire services. 

Inaasahang uulan samga darating na araw, na makaktulong sa pagsugpo ng sunog pagtapos maitala ang 40C na temperatura noong Lunes. 

Ipinakita sa isang dramatikong video footage ang ilang mga taong lumikas gamit ang kanilang sasakyan habang naideklara ang state of emergency sa tourist-friendly na Attica region.

Si Athanasia Oktapodi, na nakatira sa isang bahay na napapaligiran ng pine trees, ay nagsabing nakita niya ang sunog na papalapit sa kanila at sa loob ng lima o sampung minuto inabot na ng sunog ang kanyang hardin. 

"I ran out like a crazy person, got to the beach and put my head in the water. Then the patrol boats came," sinabi ng 60-taong-gulang na babae.

A house burns during a wildfire in Kineta, near Athens, on July 23, 2018.
A house burns during a wildfire in Kineta, near Athens, on July 23, 2018. Source: Getty

"I saw the flames outside the window of our hotel. I thought it would explode," sabi ni Alina Marzin, isang 20-taong gulang na German tourist na nasa Capo Verde hotel sa Mati noong Lunes ng gabi, kasama ang kanyang kapatid na lalaki at mga magulang. 

Hindi bababa sa anim ang namatay na sinubukang tumakas sa sunog. May 715 katao ang nailikas gamit ang bangka sa Rafina, sabi ng gobyerno. 

"People are shocked, lost. Some of them have lost everything: children, parents, homes," sabi ng tagapagsalita ng Red Cross na si Georgia Trisbioti.

In-activate ng European Union ang Civil Protection Mechanism nito matapos humingi ng tulong ang Greece. Maraming bansa ang nagsabi na magpapadala sila ng mga aircraft para makatulong sa pagpapahupa ng sunog. 

Ang humanitarian crisis manager ng EU na si Christos Stylianides, ay dumating sa Athens noong Martes para tumulong sa relief efforts. 

"Today is a day of great sorrow for the Greek people and for all of Europe," sinabi niya sa Twitter.

Ang wildfire ay nagtala ng record-breaking na temperatura sa hilagang Europa at nagdulot ng malaking pinsala kamakailan.


4 min read

Published

Updated

Presented by Roda Masinag

Source: AFP, SBS



Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now