Ang Gilas Pilipinas at Australian Boomers ay haharap sa mga pagdinig pagkatapos ng insidente ng kaguluhan sa kanilang laro sa World Cup 2019 Asian Qualifier.
Ayon sa tweet ng FIBA noong Lunes, magsasagawa sila ng imbestigasyon at ipapaalam ang magiging desisyon sa parehong koponan sa mga susunod na araw.
Natalo ng Australian Boomers ang Gilas Pilipinas sa huling iskor na 89-53
Pinatunayan ng Boomers na mas magaling sila sa Gilas Pilipinas at pinalaki nila ang kanilang lead sa 15 puntos sa first half buzzer 52-37.
Inaasahang isa lamang ito sa mga regular na laro sa basketball sa pagitan ng dalawang koponan-Australian Boomers at Gilas Pilipinas, ngunit kalaunan ay nauwi ang laban sa suntukan.
Naipatigil ang laro sa third quarter matapos magkainitan ang Gilas guard na si Roger Pogoy at si Chris Goulding, na humantong sa pagpapalabas sa siyam na manlalaro ng Gilas, kung kaya't may natira na lamang na tatlong manlalaro sa panig ng Gilas Pilipinas.
Dalawa sa natirang mga manlalaro ay nakakuha ng foul, kung kaya’t isang manlalaro na lamang ang natira.

Australian Boomers' Daniel Kickert hitting Gilas Pilipinas' Roger Pogoy Source: Gilas pilipinas Army Facebook Page