Nagdulot ng pagbaha ang patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan sa Metro Manila at mga kalapit lalawigan noong Sabado.
Ang mga lugar na madalas na bahain ay nagtala ng halos limang talampakang tubig-baha.
Isang nayon sa San Mateo, Rizal ay lubog pa rin sa tubig-baha at basura, ayon sa tweet ni Allan Gatus.
Nitong Lunes ng umaga, ang PAGASA ay nag-isyu ng Yellow Rainfall alert na nagbibigay babala sa mga residente ng posibleng pagulan na aabot sa 7.5 to 15 mm kada oras sa mga susunod na tatlong oras sa Metro Manila at kalapit na mga probinsya kabilang ang Batangas, Cavite, Bulacan, Zambales at Bataan.
Ang habagat ay pinalakas ng Tropical Storm Yagi na nai-report ng PAGASA na magdadala ng mga pag-ulan buong araw.
Ang mga residente sa mababang lugar at malapit sa ilog ay pinag-iingat sa patuloy na pagbaha at posibleng landslide dahil sa malakas na buhos ng ulan.
Ang Tropical Storm Yagi ay ika-11 bagyo na dumaan sa Pilipinas. Ang bansa ay karaniwang nakakakuha ng average na 20 bagyo kada taon.
ALSO READ

