Kada taon, sinusunod ng mga Pilipino ang maraming paniniwala tuwing bisperas ng Bagong Taon na ipinasa mula sa nakaraang henerasyon. Bagama't kadalasan dito ay katawa-tawa at walang siyentipikong basehan, ang mga pamahaiing ito ay pinaniniwalaang makakapigil sa malas at makakaiwas sa panganib na mangyayari sa papasok na taon.
Kahit na walang mga pag-aaral na makapagpapatunay kung totoo ba ang mga kakaibang paniniwala na ito, sinusubukan pa rin ng mga Pilipino na sundin ito. Bakit hindi? Tulad nga ng sinasabi ng mga matatanda, "wala namang mawawala kung susubukan, diba?"
10 kilalang Pinoy Pamahiin tuwing Bagong Taon
1. Punuin ang bulsa ng mga bagong perang papel at barya, ikalat ang mga barya sa buong bahay.

2. Gumawa ng malakas na ingay at gumamit ng paputok upang takutin ang mga masasamang espiritu.

3. Magsuot ng polka dots dahil ang kahit anumang bilog ay nagpapahiwatig ng kasaganaan.

4. Tumalon ng 12 beses pagpatak ng hatinggabi upang tumangkad.

5. Maghanda ng 12 prutas bilang simbolo ng kasaganaan para sa bawat buwan.

6. Maghanda at kumain ng pancit para humaba ang buhay.

7. Buksan ang lahat ng ilaw sa bahay upang maging maliwanag ang paprating na taon.

8. Buksan ang lahat ng pintuan, bintana at mga kahon ng lalagyan upang pumasok ang swerte.

9. Iwasan ang paghuhugas at pagsusuklay ng buhok upang maiwasan din ang malas sa buong taon.

10. Huwag maglinis o mag-walis sa loob at labas ng bahay sa unang araw ng Bagong taon upang hindi lumabas ang swerteImage
