Bumuo ng malikhaing paraan ng pagtugon sa racism ang 68 artists at creatives sa Australia. Apat na Filipino Australian artists ang lumahok sa proyektong "I Am Not A Virus" na layuning mapahinto ang pang-aalipusta sa mga Asian Australian.
Minamaliit dahil sa kulay ng balat. Sinasaktan at sinisisgawan dahil sa hugis ng mata.
At pinapalayas sa kinaroroonan dahil para sa ibang lahi, sila ay kakaiba.
Yan ang karanasan ng maraming Asian migrants. At kahit dito sa Australia, hindi sila ligtas sa pang-aalipusta.
Mas lumala pa ito sa paglaganap ng coronavirus sa mundo, kung saan sinisisi ng ibang lahi ang mga Asian sa nararanasang krisis.
Kaya para ipahayag ang pagtutol sa lumalaganap na racism laban sa mga Asian-Australian at migrants idinaan sa sining at pagtatanghal ng grupo ng mga artist ang kanilang saloobin.
Isa ang contemporary dancer na si Zachary Lopez sa lumahok sa proyekto.
Highlights
- Patuloy na nakakaranas ng racism ang mga Asian migrants at Asian-Australian
- Hiling ni Zachary na madagdagan ang representasyon ng mga Asian sa larangan ng sining
- Apat na Filipino-Australian creatives ang bahagi ng #IAmNotAVirus project
Pilipino ang mga magulang ni Zachary Lopez na dumating sa Australia noong 80s. Dito na siya pinanganak at lumaki.
"I am an Australian-Filipino, born and raised in Brisbane. I currently live in Sydney."
Sa pagsasayaw natuon ang kanyang atensyon sa pagpasok nya sa mga unibersidad.
Tumanggap sya ng Exceptional Young Artist Scholarship para sa Sydney Dance Company’s Pre-professional Year noong 2014 at Australia Council for the Arts ArtStart Grant noong 2015 para makatrabaho at mahubog ng mga international artist at company sa larangan ng performance art.
"Financially, I wasn't able to do any dance classes or any training when I was young so I had training in university at QUT [Queensland University of Technology]. I did a dance degree and trained there. I graduated in 2013 and from there, I started working professionally with companies such as Opera Australia, Sydney Dance Company and smaller independent companies in Brisbane."
Australian man ang kinalakihang kultura, naramdaman nya sa murang edad ang hindi pantay na trato sa mga tulad nyang Asian ang itsura.
"Growing up, I've faced comments, taunts and [racial] slurs to my face - quite aggressively as well sometimes. I wasn't angry at me peers, but it made me question why I had that interaction with them and why it made me feel [the way I did]?
"These have been quite relevant in my art work as well. They've given me inspiration."
Malaki ang naging epekto nito sa kanyang buhay. Pero sa halip na magtago, ginamit nya ang talento para magbigay ng mensahe sa lumalalang insidente ng racism sa bansa.
Nakipagtulungan ang Diversity Arts Australia sa maraming oraganisasyon para makalap ang kwento ng mga Asian sa Australia na nakaranas ng racism.
Higit 400 istorya at nakakapanlumong karanasan ang kanilang nalikom.
Bilang tugon, isang proyekto sa tulong mga artist ang kanilang binuo na tinawag nilang #IAmNotAVirus.
Pinagsama-sama nilang ang mga likhang sining, sayaw, tula at maikling pelikula na nagmumulat sa kamalayan para tapusin na ang siklo ng pag-aalipusta.
Isa si Zachary sa 68 Asian-Australian creatives na bahagi ng proyekto.
"Just being a person on stage is enough for the general public to see a representation of a diverse person. By making political works [such as the one I am involved with through] #IAmNotAVirus and Diversity Arts Australia, we get to normalise a person of colour on stage and on TV."
Isang contemporary dance performance ang kanyang binuo na tinawag nyang Roil Horizon.
Sumasayaw sa paligid ng mga nakabiting gamit at simbolo ng pagiging asyano.bawat galaw nya ay sumasamalamin sa sakit na nararamdaman ng mga taong tanging hangad lang ay magandang buhay sa labas ng kontinente.
Representasyon ito ng unti-unting paglubog ang makulay na kultura na natatabunan ng takot at pangamba.
Kabilang din sa mga Filipino Australian artist ang Filipina poet at creator na si Eunice Andrada na sumulat ng tula bilang tribute sa mga nurse na namatay dahil sa COVID-19
Isang tula at short film naman ang ginawa ng conceptual writer at spoken word artist na Matcho Cassidy, na nagpapakita ng racism at xenophobia pagdating sa trabaho at komunidad.
Habang isang dance film ang binuo ng film director at performer na si Rowena Rasmussen na pinamagatang “I Don't See You As Asian. “
Umaasa silang magiging daan ito para mabago ang pananaw ng bawat tao at mangibabaw ang respeto para sa isa't isa.
Matutunghayan ang exhibit at binuong pagtatanghal ng mga artist sa Centre for Contemporary Arts sa Darlinghurst Sydney.
Sa mga nakakaranas ng anumang uri ng racism, tumawag sa Australian Human Rights Commission’s National Information Service (NIS) hotline 1300 656 419 or 02 9284 9888